Darren Espanto namigay ng kaban-kabang bigas bilang donasyon sa lungsod ng Muñoz

  • Nagbigay si Darren Espanto ng 100-kaban ng bigas sa lungsod ng Muñoz
  • Pinasalamatan siya ng lokal na pamahalaan ng Muñoz dahil sa kanyang kabutihang loob
  • Binati at pinuri ng mga netizens ang ginawa ng mang-aawit

Pinasalamatan ng mga lokal na opisyal ng Science City of Muñoz ang mang-aawit na si Darren Espanto dahil sa kaban-kabang bigas na donasyon nito sa siyudad para maitulong sa mga nangangailangan nating kababayan na nakatira rito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Image by Science City of Muñoz via Facebook

Ayon sa Facebook post ng lungsod, “Lubos po ang ating pasasalamat kay Mr. Darren Espanto sa kanyang donasyon na 100 cavans ng tig-25 kilos!

“Ang ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez ang personal na nakatanggap ng tawag mula kay Mr. and Mrs. Lyndon Espanto at ipinarating ang kagustuhan ni Mr. Darren na magpamahagi ng tulong para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ni Ms. Corazon Valencia.”

Sinabi rin sa post na ang pamilya Espanto na nagmula sa Muñoz ay patuloy na nagmamahal sa kanilang mga kababayan.

Habang ipino-post ito ay nakaabot na sa nasa 2,800 reaksyon at higit 1,400 pagbabahagi ang update ng lungsod.

Umani naman ng samu’t-saring pagbati at pasasalamat ang kawang-gawa ni Darren. Sabi ng isa, “Nakaka-proud ka talaga Darren. Pagpatuloy mo lang ‘yan para yung blessings sa’yo ay tuloy-tuloy din.”

Komento pa ng iba, “Lodi talaga kita Darren. God bless you, idol.”

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Darren sa mga lokal na opisyal, “Thank you po Mayor Nestor Alvarez, sa lahat po ng Sanggunian Bayan members at sa lahat po ng bumubuo ng Wag-Wag Club!

Image by Darren Espanto via Instagram

Si Darren ay isang Filipino-Canadian singer na sumikat sa Pilipinas dahil sa kanyang pagsali sa The Voice Kids Philippines. Noong 2014, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang full-length self-titled studio album sa ilalim ng MCA Music Inc. (Philippines).

Naging bahagi rin s’ya ng 2018 highest grossing Filipino film na The Hows of Us.

Imahe mula sa Instagram account ni Darren Espanto