Yorme isa na ring vlogger, Iskovery Channel inilunsad sa YouTube

• Mayor Isko Moreno isa na ring vlogger
• Inilunsad ng alkalde ang YouTube channel niyang “Iskovery Channel” noong February 27, 2020
• Ipinakita sa unang vlog ang isang rare footage niya sa isang lamayan sa Maynila

Isa na naman ang nadagdag sa humahabang listahan ng mga local celebrities at politicians na naglunsad ng video blog (vlog) sa YouTube.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Noong ika-27 ng Pebrero ay opisyal na inilunsad ni Manila Mayor Isko Moreno nag kanyang youTube channel na tinawag niyang “Iskovery Channel.” Inanunsyo pa niya ito sa sariling Facebook page.

“Here is the first video of my personal, official YouTube Channel: ISKOVERY! Please share us your thoughts, the issues you want to tackle and the information you want to learn from us. We will do our best to create relevant and informative content on this YouTube Channel. Manila, God First! #IskoveryChannel,” post ni yorme.

Sa loob ng maikling panahon ay nagkaroon kaagad si yorme ng libo-libong subscribers. Ngayong ika-4 ng Marso ay umabot na sa 12,700 ang nag-subscribe sa Iskovery Channel.

Ipinakita sa kauna-unahan niyang vlog sa nasabing channel ang lumang video footage na ginawa noon pang January 25, 1993. Ang tagpo ay nasa isang lamayan sa Maynila kung saan isa ang batang-bata pang si Isko ang nakikipaglamay.

Tinanong pa ni Yorme ang mga viewers kung nasaan siya sa nasabing video.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

“Makikita niyo po ba kaya kung nasaan ako sa nadiskubreng video na ito? Comment below!” aniya.

Madali naman siyang nakilala sa video dahil halos hindi naman nagbago ang kakisigan niya mula noon hanggang ngayon.

Ang kulit ni Yorme at gwapo …Hahaha. Talagang it was fate or tadhana na ma-discover kayo at maging artista and eventually become the best Mayor of Manila. God bless po.”

“Poging makulit. Dito ka pala na discover ni daddy wowie. Sino mag-aakala na ikaw pala ang takatadhana na maging pambansang mayor, yorme. God is good.

Matatandaang madalas banggitin ni Mayor Isko na sa isang lamayan siya nadiskubre noon bilang artista.

Panoorin ninyo at hanapin sa “lamayan video”ang makulit at guwapong si Isko, ang itinadhanang maging Yorme ng Lungsod ng Maynila.

Source :

YouTube, Facebook