Pantawid ng Pag-ibig: Online concert ng Kapamilya artists nakalikom ng halos P237 million

  • Nakalikom ng halos P237 million ang online concert ng mga Kapamilya artists
  • Itinampok sa Pantawid ng Pag-ibig at Home Together Concert ang maraming Kapamilya artists na ligtas na nagtanghal sa kani-kanilang mga tahanan
  • Ang pondong nakalap ay gagamiting pambili ng mga relief packages na ihahanda at ipamamahagi ng mga LGUs

Umabot sa halos P237 million ang halagang nalikom ng unang online concert ng ABS-CBN Kapamilya artists na gagamitin bilang ayuda sa mga pamilyang Pilipino na lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa nananalasang coronavirus.

Imahe mula sa ABS-CBN

Itinampok sa online concert – ang Pantawid ng Pag-ibig at Home Together Concert – ang maraming Kapamilya artists na ligtas na nagtanghal sa kani-kanilang tahanan noong Linggo ng gabi, ika-22 ng Marso.

Bago matapos ang digital concert ay inanunsyo ang halagang nalikom mula sa mga donors. Umabot ito sa halagang P236,997,391.

Pagkatapos ng anunsyo, ipinakita ang isang video kung saan umawit ang mga ABS-CBN artists ng “Heal the World,” kantang pinasikat ni Michael Jackson.

Kabilang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; Enrique Gil at Liza Soberano, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Piolo Pascual, Vice Ganda at Gary Valenciano sa mga Kapamilya artists na nagbahagi ng video ng kanilang pagtatanghal sa kanilang mga tahanan.

Screenshot mula sa Pantawid ng Pag-ibig concert

Bukod sa pagbibigay ng saya, kabilang sa nasabing digital show ang apela ng mga celebrities na tulungan ang mga kapwa Pilipino, lalong higit ang mga nawalan ng pinagkakakitaan habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Ang fundraising campaign na ito ng ABS-CBN ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan sa ilan gprivate partners at mga local government units (LGUs) sa Metro Manila.

Ang pondong nakalap ay gagamiting pambili ng mga relief packages na ihahanda at ipamamahagi ng mga LGUs.

Source :

YouTube, Tribune