Nostalgia: Remembering Ka Erni Baron, ang Walking Encyclopedia ng Pilipinas

  • Alalahanin ang tao sa likod ng sikat na linyang, “Kung walang knowledge, walang power”
  • Siya ang Google at Wikipedia ng mga batang 90’s
  • Siya si Ka Ernie Baron na naging malaking bahagi sa industriya ng broadcasting

“Kung walang knowledge, walang power!” Pamilyar ba?

Ito ang sikat na linya ng nag-iisang The Walking Encyclopedia ng Pilipinas. Siya ay walang iba kung hindi si Ernesto J. Baron o mas kilala bilang si Ka Ernie Baron na ipinanganak sa Bacoor, Cavite.

Siya ay isang Filipino broadacster at isa din siyang imbentor.  Siya ang nakaimbento ng DC Super Antenna o mas kilala bilang Baron Super Antenna

Siya ay nagsilbi ng 40 taon sa larangan ng broadcating. Tinagurian din siyang the weatherman sa programang TV Patrol ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Youtube | Kevin Kersey Duño

Si Ka Ernie ay nagkaroon ng programa na pinamagatang Knowledge Power. Marami s’yang naging tagasubaybay at karamihan ay mga nagtatanong tungkol sa mga bagay na gusto nilang malaman. Siya ang Google at Wikipedia noon bago pa man lumaganap ang paggamit ng internet at ng social media.

Sa isang segment n’ya ay meron pang nagtanong,

Caller: Ka Ernie, ano po ba’ng mangyayari kapag natulog nana basa ang buhok?

Ka Ernie:  Mababasa ang unan.

Caller:  Ka Ernie, ang sabi po kasi ng matatanda pag natulog nang basa ang buhok mabubulag daw po.

Ka Ernie:  Eh, sino ba sa inyo, hija, ang natutulog na basa ang buhok?

Caller:  Ako po.

Ka Ernie:  O eh nabulag ka ba, hija?

Caller:  Hindi po.

Ka Ernie: O ‘di hindi! Alam mo, hija, kasabihan lang ‘yon, wala iyong scientific basis…pero bakit ka naman kasi matutulog na basa ang buhok kung pwede mo naman patuyuin bago matulog, di ba, hija?

Ganyan siya sumagot sa mga callers niya, matalino pero kwela. Natuto ka na, sumaya ka pa.

Imahe mula sa Youtube | Koko Stevan

Sa panahon ngayon na may kinakaharap na mapaminsalang virus ang bansa, ano kaya ang masasabi niya tungkol dito? Ia-advice niya kaya ang paggamit ng pito-pito at cleansing diet;, isama na rin ang paglagay ng pyramid sa ibabaw ng basong may tubig?

Pero kung ano pa man ‘yon, siguradong kapupulutan ito ng aral.

Always remember his legacy —  Kung walang knowledge, walang power.