Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang magarbong mansion sa GenSan

  • Ipinasilip ni Jinkee Pacquiao ang mansion nila sa GenSan
  • Ang nasabing mansion raw ang paborito ni Jinkee
  • Punong-puno ang ilang bahagi ng mansion ng mga larawan na nagpapaalala raw sa mga mahahalagang araw ng kanilang buhay-pamilya

Ipinasilip ng maybahay ni Pambansang kamao Manny Pacquiao na si Jinkee ang malaki nilang mansion sa General Santos City (GenSan) sa kanyang latest vlog sa YouTube.

Screenshot sa video ni Jinkee Pacquiao

Ang mansion sa Gensan ay isa lang sa marami nilang malalaking bahay sa iba’t ibang lugar sa bansa, pero ito raw ang paborito ni Jinkee dahil narito na ang lahat ng mga nakapagbibigay-saya sa pamilya kahit hindi na sila lumabas ng bahay.

“Hi, I’m Jinkee Pacquaio at nandito tayo sa aming bahay dito sa GenSan. Let’s go,” panimula ni Jinkee.

Bago siya pumasok sa malaking wooden front door ng mansion ay nadaanan pa ng camera ang mamahalin nilang sasakyang Hummer na milyun-milyong piso ang halaga.

Unang ipinakita ni Jinkee ang magandang living room na punong-puno ng mga larawan na nagpapaalala raw sa mga mahahalagang araw ng kanilang buhay-pamilya.

“Welcome to our living room. Makikita n’yo madaming picture frames. Kasi mahilig talaga ako magpa-frame ng picture para may souvenir ako…na hindi siya mawala…kung kailan man siya kinunan,” aniya.

Ipinakita ni Jinkee ang isang larawan kasama ang sikat na South Korean actor na si Ji Chang-wook na, aniya, ay paborito niya.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao

Ipinasilip rin niya ang magarbong entertainment room na may isang malaking TV screen at puno rin ng mga nakasabit na picture frames. Ang dining room ay nakahiwalay sa mansion dahil nais raw niyang maiba naman. Dati raw iyong open space.

Sa pool area raw sila nagdaraos ng mga party at Bible study. Wala pang swimming pool ang mansion nang mabili nila iyon noon kaya nagpagawa na lang sila, kasama ang isang guest house para sa mga bisita, sabi ni Jinkee.

Screenshot sa video ni Jinkee Pacquiao

May basketball court din sa loob ng compound kung saan madalas maglaro si Manny at mga kaibigan.

Ang master’s bedroom at mga kuwarto ng mga anak nila na nasa ikalawang palapag ng mansion ay sa susunod na lang daw ipakikita ni Jinkee.

Narito ang pasilip sa GenSan mansion ng pamilya Pacquiao: