Isang pet cat sa Belgium nahawahan ng coronavirus

  • Isang pet cat ang nahawahan ng coronavirus
  • Nahawa ang pusa sa may-ari nito na nagpositibo sa COVID-19
  • Napakaliit ng panganib na mahawa ang tao mula sa mga alagang hayop

Isang alagang pusa sa Belgium ang nahawaan ng novel coronavirus matapos itong makontamina ng may-ari na positibo sa naturang virus, ayon sa pahayag ng Belgian health authorities noong Biyernes, ika-27 ng Marso.

Imahe mula sa Pixabay

Ayon sa mga health officials, ang pusa na dinapuan ng karamdaman ay nagpakita ng mga sintomas ng COVID-19, kabilang na ang pagiging hirap nito sa paghinga, isang linggo matapos magkasakit ang may-ari nito.

“The cat had diarrhea, kept vomiting and had breathing difficulties. The researchers found the virus in the cat’s feces,” ayon kay professor Steven Van Gucht ng Viral Diseases of the Belgian Scientific Institute of Public Health.

Binigyang-diin niya na ang pagkakasakit na ito ng pusa ay isang isolated case at ang tsansa sa makahawa ito sa tao ay napakaliit.

“We want to stress that this is an isolated case. The risk of animal-to-human transmission is very small,” aniya sa isang press briefing.

Ganito rin ang sinabi ng National Council for Animal Protection ng Belgium kaya walang dahilan upang abandonahin ang mga alagang hayop dahil sa salot na virus na nananalasa sa buong mundo.

“Animals are not vectors of the epidemic, so there is no reason to abandon your animal,” ayon sa ahensya.

Imahe mula sa Pixabay

Bilang precautionary measure, ipinapayo ng ahensya na gawin ang mga patakaran ng kalinisan kapag may alagang hayop.

“Avoid close contact with pets … wash your hands after handling any animal, do not let the animal lick your face,” sabi ng ahensya.

Ito ay upang maiwasang mahawa ang mga pets at hindi sila maging carrier ng virus.