Ilang senador nagkaisang gumawa ng panukala na ideklarang ilegal ang operasyon ng POGO

  • Nais ng ilang senador na ideklarang ilegal ang operasyon ng POGO
  • Si Senator Franklin Drilon ang nagmungkahi na maghain ng panukala upang ipagbawal sa bansa ang POGO
  • Sinuportahan nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at opposition senators Risa Hontiveros at Francis Pangilinan ang suhestiyon ni Drilon

Nagkaisa ang ilang senador na maghain ng panukala na ideklarang ilegal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa sa gitna ng pagdami ng mga ipinagbabawal na aktibidad kaugnay ng offshore gaming industry na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Si Senator Franklin Drilon ang nagmungkahi nito kasunod ng privilege speech ni Senator Richard Gordon hinggil sa mga nangyayaring krimen na may kaugnayan sa mga Chinese nationals o sa offshore gaming industry.

“These shenanigans that we see here all arise from the policy decision of allowing online gaming operations to stay here… Should we allow the operations of these POGOs with all the illicit activities that come with it?” saad ni Sen. Drilon.

“We should have all options on the table including passing legislation declaring it as illegal. The theory of the Chinese government is if it is illegal in my country, then it should be illegal for Chinese citizens to do the illegal thing outside its borders,” wika pa niya.

Sinuportahan naman nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at opposition senators Risa Hontiveros at Francis Pangilinan ang suhestyon ni Drilon. Sabi nila, maging ang Chinese Foreign Minister ay natuwa noong nagdesisyon ang pamahalaan na pansamantalang itigil ang pagbibigay ng lisensya sa mga POGO.

Imahe mula sa DZRH News

Bago gawin ang panukala ni Drilon, nais ni Sen. Richard Gordon na imbestigahan muna ang mga Chinese-related na krimen upang malaman kung sino ang dapat managot at kung sino ang “”kumikita” sa mga illegal schemes.

“It has crept into our society… Sino ba ang kumikita talaga dito? I just want to raise the alarm bells. This is just Manila, we don’t know what else is happening in other areas,” ani Sen. Gordon na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Noong nakaraang taon, nanawagan na rin ang mga miyembro ng House of Representatives na palayasin na sa bansa ang mga POGO kasunod ng isinagawang Congressional Inquiry na nagpakitang ang  pagdami ng Chinese nationals sa Pilipinas ay nagresulta sa pagdami ng bilang ng mga krimen.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Source :

ABS-CBN, Inquirer