Buhay OFW: Kusina mini-concert kapag wala si Madam

  • Isang OFW ang gumawa ng nakatutuwang video na animo ay nagko-concert
  • Sa saliw ng kantang Estudyante Blues ay idinaos nila ang kusina mini concert
  • Gamit nila ang mga improvised microphone, drum set at guitar

Walang katumbas ang sakit na mapalayo sa pamilya, ngunit  kung para naman sa ikakabuti nila, handa itong tiisin ng nakararami.

Ganito ang sitwasyon ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers. Hindi nila alam kung ano ang buhay na naghihntay sa kanila kapag sila ay nangibang bayan. Masuwerte na kung makatagpo sila ng mabait na amo. Ang iba ay hindi kinakaya ang lungkot habang ang iba ay gumagawa ng paraan upang maitawid ang kanilang kalungkutan at homesickness.

Imahe mula sa Facebook | Miesha Corrales-Armenta

Isa sa mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang uploader ng isang viral video na si Miesha Corrales-Armenta na mula sa Sarrat, Ilocos Norte.

Sa kasalukuyan, siya ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa bilang isang kasambahay. Upang labanan ang lungkot, siya ay gumagawa ng mga nakaaaliw na mga videos at posts na talaga namang nakaka-good vibes at laugh out loud ka sa katatawa.

Imahe mula sa Facebook | Miesha Corrales- Armenta

Ipinost niya sa kanyang Facebook page ang nakatutuwang pagli-lip sync niya  ng kantang “Estudyante Blues” ni Freddie Aguilar. Dito ay makikitang gamit niya ang mop bilang improvised na microphone at kawali bilang gitara.

Kasama niya sa video ang kapwa kasambahay na gumamit naman ng timba, planggana, batya at laundry basket bilang drum set. Kitang-kitang feel na feel nila ang kanilang kusina mini-concert while wearing face mask.

Imahe mula sa Facebook | Miesha Corrales- Armenta

 

‘Wala po kaming ginagawang masama. Sinasamantala lang po namin ang pagkakataon habang wala sila (mga amo) … tamang tama ang kanta OFW Blues! Eto po ang ganap ngayon sa bahay ni Madam! Tara!! Rakrakan na’, sabi ni Miesha sa kanyang post.

Umani ito ng mahigit 7,000 reacts, 164 comments, 9,600 shares, at  mahigit 257K views  sa kanyang page. Samantalang sa page naman  na Buhay OFW kung saan nai-share din ang kanilang video ay umabot naman ito ng 3,600 reacts at mahigit sa 3,000 shares, patunay na maraming naaliw sa kanilang ginawang video.

Isang pagsaludo sa mga bayaning OFW! Mabuhay kayo!