3,000 Chinese army nakapasok sa Pilipinas, ayon sa reliable source ni Sen. Lacson

  • Tinatayang aabot sa tatlong libong PLA members ang nakapasok na sa bansa
  • Ang impormasyon ay natanggap umano ni Senator Lacson mula sa isang fairly reliable source
  • Binigyang-diin ng senador na hindi pa kumpirmado at kailangang pang i-validate ang natanggap na report

Ipinahayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na nakatanggap siya ng impormasyon na nasa bansa ang tinatayang 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng People’s Liberation  Army (PLA) ng China para sa isang immersion mission.

Imahe mula kay Sen. Ping Lacson

Binigyang-diin ng senador na hindi pa kumpirmado at kailangang pang i-validate ang natanggap na report.

“As per my source, around 2,000 to 3,000 apparently on an immersion mission but for still unknown reason. I would like to emphasize that this report is yet to be validated,” ani Sen. Lacson na chairman ng Senate Committee on National Defense and Security.

Fairly reliable daw ang impormante na nagbigay sa kanya ng report batay na rin daw sa mga naunang impormasyon na natanggap niya mula rito. Hinikayat niya ang intelligence community na paigtingin pa ang pangangalap ng mga impormasyon kaugnay nito.

“I can only say that my source is fairly reliable, based on past information that he has provided to me. The intelligence community should exert extra effort to gather information in this regard,” aniya.

Ang PLA ang isa sa pinakamalaking military force sa buong mundo. Mayroon itong mahigit 2 million active personnel at kalahating milyong reserve personnel. May 5 branches ito – ang Ground Force, Navy, Air Force, Rocket Force at Strategic Support Force.

Imahe mula sa China Daily

“If true, we have every reason to be concerned because of the circumstances surrounding the WPS (West Philippine Sea), not to mention the unusually high number of Chinese influx and the unexplainable amount of monies flowing into the country from Chinese,” sabi pa ni Lacson.

Ang pahayag ng senador ay ginawa sa isang Senate hearing hinggil sa mga ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga Chinese workers sa offshore gaming industry.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN