242 dayuhan na pinaghihinalaang ilegal na magta-trabaho sa bansa nasabat ng BI sa NAIA

  • Nasabat ng BI ang 242 foreigners na nais pumasok sa bansa upang magtrabaho
  • Hinarang ang mga nasabing dayuhan na nagtangkang pumasok sa NAIA Terminal 1,2 at 3
  • Kabilang sa mga nasabat na banyaga ay mula sa Cambodia, Vietnam, Myanmar, Indonesia, Malaysia at China

Nasabat ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 242 foreign nationals na pinaghihinalaang ilegal na magta-trabaho sa bansa.

Imahe mula sa MIAA

Sa pahayag ng BI, nasabat ang mga banyaga mula ika-21 hanggang ika-28 ng Pebrero sa NAIA terminal 1,2 at 3 kasunod ng pagpapatalsik sa puwesto ng mga immigration officers kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon hinggil sa alegasyon ng korapsyon.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na 79 sa mga banyaga ay nasabat sa terminal 1; 33 naman sa terminal 2, at 130 ang nasabat sa terminal 3.  Bukod sa mga Chinese nationals, kabilang sa mga nasabat na banyaga ay mula sa Cambodia, Vietnam, Myanmar, Indonesia at Malaysia.

Ayon naman kay BI Intelligence chief Fortunato Manahan, Jr. na patuloy ang koordinasyon ng ahensya sa foreign counterpart nito upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga illegal foreign workers.

Nakapag-aalala umano ang natuklasan ng BI na sinusubukan ng mga banyaga na makapasok sa pamamagitan ng ibang ports sa Pilipinas upang makapagtrabaho dito.

Imahe mula sa PNA

“We see this as a cause for concern. Our frontliners will heighten our efforts in screening these aliens. We are in close coordination with our foreign counterparts in ensuring that no aliens with bad records enter the country. But if they are already in the country before we receive information about their crimes, we will immediately send them out,” ani Manahan.

Inilagay ni Commissioner Morente ang Travel Control and Enforcement Unit at ang Border Control and Investigation Unit sa ilalim ng kontrol at pamamahala ng Intelligence  Division upang magsilbing “external check and balance” sa pagmo-monitor ng mga operasyon ng paliparan.

Imahe mula sa BI