Mayor at paaralang pinasukan sa Albay, very proud sa nakamit ni Marcelito sa AGT: The Champions

  • Very proud para kay Marcelito ang alkalde ng Polangui, Albay at ang ALS school doon na pinasukan niya
  • Hinangaan ng mga guro si Marcelito hindi lang sa husay niyang umawit kundi maging sa sipag mag-aral
  • Si Marcelito ay nakatapos sa ALS Polangui North District noong June 2019

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga guro at supervisor sa Alternative Learning System (ALS) school sa Albay na pinasukan ni Marcelito Pomoy dahil sa napakahusay na performance na ipinakita niya sa America’s Got Talent: The Champions.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Harlet Villanueva na tunay na nakabibilib si Marcelito hindi lang sa ipinakitang husay sa pag-awit sa AGT: The Champions kundi maging sa kaniyang pag-aaral.

Imahe mula kay Marcelito Pomoy

Si Marcelito ay nag-aral sa ALS Polangui North District at nakapagtapos noong June 2019.

“So proud of you Marcelito MJ Pomoy, God bless you always. Thank you so much that you’d been part of Polangui North District Family as our ALS graduate (Batch 2019). You are an inspiration to all of us!”  post ni Dr. Villanueva kalakip ang larawan nila ni Marcelito noong graduation day.

Maging ang alkalde ng Polangui na si Mayor Andy Mariscotes ay bumati kay Marcelito.

“Congratulations and goodluck Marcelito Pomoy… Mabuhay ka. LG-Polangui will always be proud of your extra ordinary talent that merits world attention and acclamation,” post ng Polangui mayor.

Si Marcelito ay nakapasok sa ALS school sa tulong ni Senator Manny Pacquiao. Matatandaang dalawang beses nang nakasama si Marcelito sa grupo ng mga  kumanta ng Lupang Hinirang sa laban ni Pacquiao.

Imahe mula kay Dr. Harlet Villanueva

Napag-alaman ng senador na undergraduate si Marcelito kaya naitanong niya sa kanyang coach at bestfriend na si Buboy Fernandez kung ano ang maaaring itulong sa mahusay na singer. Si coach Fernandez ay vice mayor ng Polangui at naipasok nga nila sa ALS Polangui North District school si Marcelito.

Si Marcelito ay kabilang sa mga finalists sa AGT: The Champions. Mapapanood ang grand finals ng talent show sa susunod na linggo.

Imahe mula sa Bulgar