Jimuel Pacquiao ibinahagi ang ilang detalye sa break up nila ni Heaven Peralejo

  • Jimuel Pacquiao naging guest ni Boy Abunda sa TWBA
  • Inalam ni Boy Abunda ang tunay na dahilan ng break up ni Jimuel at Heaven Peralejo
  • Inamin ni Jimuel na hindi naging maganda ang unang break up nila ng kasintahan

Guest si Jimuel Pacquiao sa “Tonight with Boy Abunda” (TWBA) talk show noong Martes, Feb. 11, kung saan ibinahagi ng binata ang nangyaring break up nila ni Heaven Peralejo.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Bagaman at maraming mga haka-haka ang lumabas tungkol sa hiwalayan ng dalawa, hindi naging malinaw kung ano ang tunay na dahilan nito.

Sa naturang talk show, sinubukan ng host na si Boy Abunda na alamin kung ano ang talagang nangyari sa break up ni Jimuel at Heaven.

“This is a question that everybody is afraid to ask, but I will ask,” panimula ng talk show host.

“Just tell me what you can. With so much respect, ano’ng nangyari sa inyo ni Heaven Peralejo?” tanong ni Boy Abunda.

“It was really tough…the way we ended the first…kasi po…the first time…it was really tough,” sagot ni Jimuel. Ngunit nilinaw ni Jimuel na nagkabalikan sila ni Heaven matapos ang naunang break up nila.

Aniya, naging mahirap ang unang hiwalayan nila dahil may kasamang galit sa isa’t isa.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

“May galit po kasi the first time and parang hindi po maayos ang break up,” ani Jimuel. “Pero overtime naman po nawawala ‘yung galit,” dagdag pa niya.

Nang humupa ang galit ay napag-usapan umano nilang dalawa ni Heaven ang mga desisyong nagawa at pinagsisihan nila ang mga iyon hanggang nagkabalikan sila.

Subalit sa bandang huli ay tuluyan din silang nag-break. Sa pagkakataong iyon ay “peaceful break up“ daw ang nangyari.

Maganda naman ang pakikitungo nila sa isa’t isa ngayon, ani Jimuel. Paminsan-minsan ay nagkikita sila kapag mayroon silang shows na pinagsasamahan at wala naman daw silang nagiging problema.

Imahe mula sa The Filipino Times

Sinagot din ng binata ang tanong ni Boy Abunda kung nanliligaw siya kay Barbie Imperial. “Nanliligaw ka na ba (kay Barbie)?” tanong ng show host.

Sinagot ito ni Jimuel na magkaibigan lang sila ni Barbie.