Customers naaliw sa kauna-unahang robot waitress sa Afghanistan

  • Kauna-unahang robot waitress ipinakilala sa isang restaurant sa Afghanistan
  • Timea ang pangalan ng made-in-Japan na robot
  • Si Timea ang nagsisilbi ng mga pagkaing inorder ng mga customers na kadalasan ay American-style na pagkain tulad ng burgers, french fries at pizza pie

Dinarayo ngayon ng mga customers ang isang restaurant sa Kabul, ang pinakamalaking siyudad at kapitolyo ng Afghanistan, dahil sa serbidora o waitress nitong si Timea.

Screenshot mula sa video ng BBC

Si Timea ang kauna-unahang robot waitress sa Afghanistan. Isa itong made-in-Japan multilingual robot na nakapagsasalita ng Dari at Pashto; ang dalawang pangunahing lengguwahe sa nasabing bansa, at English.

Unang ipinakilala ng Time Restaurant sa mga customers ang robot noong nakaraang buwan. Ang hugis ng ul0 nito ay idinisenyo upang magmistulang may suot na hijab, ang headscarf na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa Afghanistan.

Batay sa isang video, ang mga tunay o “human” waiter ang kumukuha ng order mula sa kanilang mga customers at si Timea ang nagsisilbi ng mga pagkaing inorder na kadalasan ay American-style na pagkain tulad ng burgers, french fries at pizza pie.

“It’s kind of fun” umano ang makitang nagsisilbi ng pagkain ang isang robot, ayon sa isang customer na nakilalang si Zarah Barakzai.

Screenshot mula sa video ng BBC

“It was very interesting to me because it was the first robot to come into a restaurant in Afghanistan and serve food. It was nice to see the robot here, it’s kind of fun,” aniya.

Ayon naman sa isang trese anyos na customer na si Zuhal, masaya siyang makita si Timea sa restaurant dahil sa mga palabas na cartoons sa telebisyon lang umano siya nakakakita ng mga robot.

Ang robot daw ay isang palatandaan na umaasenso na ang Afghanistan.

“I never thought I would see a robot one day in my own town, but now I’m happy to see the robot in my favourite restaurant, it means that Afghanistan is developing,” pakli ng batang si Zuhal.

Screenshot mula sa video ng BBC