Alagang aso’t pusa pwede nang itabi ng may-ari sa loob ng PUV basta naka-diaper at mabango

  • Mga pets maaari nang itabi ng may-ari sa loob ng PUV
  • Kailangan lang na may suot na diaper at walang masamang amoy ang pet
  • Dapat ding bayaran ng may-ari ang upuan na iookupa ng pet

Nagdagdag ng ilang guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tungkol sa pagpapasakay ng mga alagang hayop sa loob ng public utility vehicles (PUV).

Imahe mula sa Metro Pets

Inamyendahan ng Memorandum Circular No. 2020-003, na may petsang January 27, 2020 ang naunang memo na inilabas noong nakaraang taon.

Sa Memorandum Circular (MC) No. 2019-019 na inisyu noong Abril ng nakaraang taon, nakasaad na maaaring isakay sa PUV ang mga pets basta nasa kulungan sila at ilalagay sa designated animal compartment kung may ibang pasahero sa sasakyan.

Ayon sa LTFRB, hindi naisaalang-alang ng unang memo na ang disenyo ng mga PUV ay walang designated animal compartment na may ventilation.

Noong Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ni Probinsyano partylist Representative Ronnie Ong na naghain siya ng petisyon sa LTFRB upang baguhin at amyendahan ang MC no. 2019-019 upang payagan ang mga pets na makatabi sa upuan ng may-ari basta nakalagay sa carrier o bag, may suot na diaper at walang masamang amoy.

Imahe mula sa The Huaraz Telegraph

“Alam po natin noon na nagkaroon ng mga ‘di pagkakaunawaan sa naunang memo dahil vague kung ano nga ba ang ‘designated animal compartments’ na pwede natin isakay ang ating pets habang nasa biyahe. With the help of LTFRB, our beloved pets are now allowed onboard PUVs safely and comfortably… para po fair sa lahat, babayaran na lang po ang seat katabi niyo na occupied by your pets sa tuwing isasama natin sila sa biyahe,” ani Rep. Ong.

Nakasaad din sa bagong memo ng LTFRB na ang mga asong papayagan sa PUV ay nasa small to medium ang size range. Hindi papayagan ang mga malalaki at malahiganteng aso.

Imahe mula sa PAWS
Source :

PNA, Philstar