Kapuso Network may pahayag kaugnay sa pagkumpiska ng PNP official sa CP ni reporter Jun Veneracion

  • Ang GMA Network ay may pahayag kaugnay sa insidenteng kinasangkutan ng kanilang reporter na si Jun Veneracion sa ginanap na Traslacion ng Itim na Nazareno
  • Biglang hinablot ng hepe ng SPD ang cellphone ng reporter habang kinukunan nito ang mga pangyayari sa pagitan ng isang deboto at ilang miyembro ng PNP
  • Pinaiimbestigahan na ng DILG ang insidente

Naglabas ng isang pahayag ang GMA Network hinggil sa pagkuha ni Southern Police District (SPD) chief of Police Brigadier General Nolasco Bathan sa cellphone ng reporter na si Jun Veneracion habang kino-cover nito ang mga kaganapan sa Traslacion 2020.

Composite photos ni PBGen Nolasco Bathan at Jun Veneracion

Sa kasagsagan ng Traslacion ay biglang kinuha ni Brig. Gen. Bathan ang cellphone ni Jun Veneracion habang kinukunan ng huli ang mainit na tagpo sa Ayala Bridge kung saan may nagaganap na tensyon sa pagitan ng isang deboto ng Black Nazarene at mga pulis na nagpapatupad ng kaayusan sa prusisyon.

Naisauli naman ang cellphone sa reporter at humingi na ng dispensa ang opisyal ng PNP. Sinabi ni Bathan na tinanggap ng reporter ang paghingi niya ng paumanhin.

Ayon sa statement ng GMA Network, ginagawa lang ni Jun Veneracion ang kanyang trabaho bilang isang mamamahayag at wala naman itong ginagawang hindi tama o ilegal nang biglang kinuha ni Bathan ang cellphone nito.

Jun Veneracion was doing his job as a member of the press when the incident happened. He was not doing anything 1llegal or improper when SPD Chief Police Brig. Gen. Nolasco Bathan, without explanation, grabbed his phone,” ayon sa TV network.

Screenshot mula sa video ni Jun Veneracion

Naipagbigay –alam na umano sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang insidente at umaasa ang GMA Network na hindi na mauulit ang kaparehong insidente laban sa sinumang member ng press.

“The matter has been reported to DILG Sec Eduardo Año for his appropriate action. While Jun eventually got his phone back and PBGen Bathan has apologized, GMA hopes a similar aggressive incident against any member of the media is not repeated,’ sabi pa ng Kapus0 network.

Imahe mula sa DILG

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año na inatasan niya si PNP Officer-in-Charge Lt. Gen.  Archie Gamboa na imbestigahan ang insidenteng kinasangkutan ng reporter at ng SPD chief. Nais ding alamin ng kalihim kung may nagawang pagmamalabis ang kapulisan sa ginanap na Traslacion ng Itim na Nazareno.

Kinondena rin ng PNP Press Corps ang ginawa ni Bathan. Ang ginawa umano ng SPD chief ay isang pag-atake sa press freedom at pagyurak sa karapatan ni Jun Veneracion bilang sibilyan at mamamayan ng bansa.

Narito naman ang buong pahayag ni Jun Veneracion sa pangyayari (I-click ang larawan upang mapanood ang video ng komosyon sa Traslacion).