Ilang private schools sa Metro Manila nag-suspend ng klase kaugnay ng nCoV

  • Ilang pribadong paaralan sa Metro Manila ang nagpatupad ng class suspension kaugnay ng nCoV
  • Ang Hope Christian High School, Pace Academy, Saint Jude Catholic School, St. Stephen’s High School, Uno High School, Chiang Kai Shek College (Padre Algue and Narra campuses), at Philippine Academy of Sakya ang nagpatupad ng suspensyon ng klase
  • Sinabi ni DepEd Secretary Briones na ang mga paaralang nagpatupad ng class suspension ay kinakailangang magsagawa ng make-up classes

Ilang pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila at sa Quezon City ang nagpatupad ng suspensyon ng klase bilang precautionary measure laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Imahe mula sa Facebook page ng St. Stephen’s High School

Kabilang sa mga paaralang nagsuspinde ng kanilang klase ay ang Hope Christian High School, Pace Academy, Saint Jude Catholic School, St. Stephen’s High School, Uno High School, Chiang Kai Shek College (Padre Algue and Narra campuses), at Philippine Academy of Sakya.

Bagaman at wala pang kumpirmadong kaso ng nCoV infection sa bansa, minabuti ng mga nasabing paaralan na pansamantalang magdeklara ng suspensyon ng klase upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Ang Uno High School ay nagpatupad ng indefinite suspension of classes upang magkaroon ng panahon para makalap ang travel history ng kanilang students, teachers at staff bago at sa kasagsagan ng Chinese New Year break.

Pinayuhan nito ang mga mag-aaral na nagtungo sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng nCOv infection o sa mga lugar dito sa bansa na binisita ng mga turista mula sa Wuhan (Boracay, Aklan) na ipaalam sa paaralan ang kanilang biyahe at sumailalim sa self-quarantine sa loob ng 14 days.

Imahe mula sa Facebook page ng Hope Christian High School

Isang araw naman – January 27 – ang ipinatupad na class suspension sa Pace Academy. Ito ay upang bigyan ng panahon ang mga magulang na ihanda ang mga bagay na dapat dalhin ng estudyante sa paaralan tulad ng 2 hanggang 3 face masks. Ang mga galing sa abroad sa nakalipas na dalawang linggo ay kailangang magprisinta ng medical certificate bago pumasok sa paaralan.

Imahe mula sa Facebook page ng St. Stephen’s High School

Ang St. Stephen ‘s High School ay nagpatupad din ng indefineite class suspension, samantalang ang Hope Christian High School ay dalawang araw ang suspensyon ng klase.

Ayon kay Department of Education Secretary Leonor Briones, ang mga private schools na nagpatupad ng class suspension ay kinakailangang magsagawa ng make-up classes.

Imahe mula sa Facebook page ng Pace Academy