Fil-Am baskeball coach kasama ni Kobe Bryant sa chopper crash

  • Isang Filipino-American girls basketball coach ang kasama ni Kobe Braynt sa helicopter crash
  • Kinumpirma ng isang pinsan ang nationality ni coach Christina Mauser
  • Bumuhos sa social media ang pakikiramay sa mga naulila ni Mauser

Isa ang Filipino-American girls basketball coach na si Christima Mauser sa siyam na biktima ng helicopter crash na kinabibilangan ni Kobe “Black Mamba” Bryant at ng trese-anyos niyang anak na babaeng si Gianna.

Imahe mula sa Facebook account ni Matt Mauser

Naganap ang trahedya noong ika-26 ng Enero nang bumulusok ang Sikorsky S-76 private helicopter na pag-aari ni Bryant sa gilid ng isang bundok sa Calabasas, California dahil sa hindi pa malinaw na dahilan.

Isang kaanak ang nagkumpirma ng nationality ng 38 anyos na si Christina Mauser, isang girls basketball coach sa Mamba Sports Academy na pag-aari ni Bryant.

Sinabi ng pinsang si Melanie Ramil na hindi maipaliwanag ang sakit na nadarama nila sa sinapit ni Christina.

Sa Facebook post naman ng asawang si Matt Mauser, sinabi nita na “devastated” siya at ang mga anak sa sinapit ni Christina.

“My kids and I are devastated. We lost our beautiful wife and mom today in a helicopter crash. Please respect our privacy. Thank you for all the well wishes they mean so much,” aniya.

Sa isang televised interview, sinabi ni Matt Mauser na kinuha ni Bryant ang serbisyo ng kanyang asawa upang magturo ng depensa sa Mamba Academy.

Screenshot n g Facebook post ni Matt Mauser

“Kobe brought her on to the Mambas to teach the kids defense. He didn’t really understand zone defense because he never played it in high school or college. They called her the Mother of Defense. MOD,” ani Matt Mauser.

Bumuhos sa social media ang pakikiramay mula sa mga kabigan ng mag-asawang Mauser.

Imahe mula sa Facebook account ni Matt Mauser

 “So sorry for your loss. I can’t imagine the pain. Hang tough, your children need you…”

“I can’t even imagine the pain y’all are going through right now. May her beautiful soul rest in peace.”

“From the Phillippines: sending prayers for comfort and healing … our deepest sympathy!”