“Detective” Nico Bolzico, inimbestigahan kung sino ang sumira sa stuffed toy ng anak, mga “suspek” kinilala

  • Regalong stuffed toy sa anak ni Nico Bolzico at Solenn Heussaf sinira
  • Mga fillings ng stuffed toy natagpuang nagkalat sa isang kwarto ng mag-asawa
  • Iniimbestigahan ni Nico ang pangyayari
  • Ang mga suspek ay ang mga alaga nilang pusa, aso at dalawang pagong

Nag-ala detective ang model/TV host/businessman na si Nico Bolzico, ang asawa ni Solenn Heussaf, nang magsagawa siya ng nakatutuwa at pampa-good vibes na “imbestigasyon” sa nangyaring paninira sa stuffed toy ng anak.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

Ang stuffed toy ay regalo ng TV at radio personality na si Tim Yap sa anak ni Nico at Solenn na si Thylane Katana na isinilang noong January 1.

Ang mga pangunahing “suspek” ni Nico ay ang mga pets nilang pusa na si El Gato, asong si Pochola, at mga pagong na sina Patato at Pechuga. Bearmonth naman ang pangalan ng “biktimang” teddy bear stuffed toy.

Nakatutuwa ang ibinahagi ni Nico sa kanyang social media account kung saan nagpakita pa siya ng mga larawan at video ng mga “suspek” at ng nagkalat sa sahig na mga fillings ni Bearmonth.

“There was a crime scene last night where we lost our loved #Bearmonth. So, I decided to open an investigation to find the responsible for such a crime,” post ni Nico sa Instagram.

Sabi ni Nico, nagbigay daw ng plea ang asong si Pochola ng “not guilty” pero “inamin” daw nito na siya ang kumain ng pagkain ni El Gato.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico

Sinabi naman umano ng pagong na si Patato na ang lahat ay suspek sa nangyari, kabilang si Nico. Makikita sa isang larawan na “inuusisa” ng pagong si Nico.

Sa bandang huli, sinabi ni Nico na ang pagong na si Pechuga ang pangunahin niyang suspek pero hindi pa niya alam kung sino talaga ang tunay na salarin.

Sino nga kaya?

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Bolzico