Bagong ferry boat na kayang magsakay ng 150 passengers bibiyahe na sa Pasig River Ferry Service

  • Isang 150-seater ferry boat ang nadagdag sa fleet ng Pasig River Ferry Service
  • Ang bagong ferry boat ay donasyon mula sa DITO Telecommunity
  • Sa mga susunod na linggo, dalawa pang ferry boat ang inaasahang ido-donate sa Pasig River Ferry Service mula sa ibang private entity

Isang bago at malaking ferry boat ang nadagdag sa fleet ng Metro Manila Development Authority (MMDA) isang buwan matapos muling ilunsad ang Pasig River Ferry Service.

Imahe mula sa PNA

Ang air-conditioned 150-seater na ferry boat ay donation mula sa DITO Telecommunity, ang third telecom sa bansa. Ang Nautical Transport Service, Inc. (NTSI) ang manufacturer, operator at mangangasiwa sa maintenance ng bagong ferry.

Ayon kay MMDA deputy chairman at overall chairman ng Pasig River Ferry Service na si Frisco San Juan, sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong linggo ay ibibiyahe na ang nasabing ferry boat.

“The ferry boat would be used within two to three weeks. It would be the first time that a private firm like DITO – owned by a consortium of two of Davao-based businessman Dennis Uy’s companies and a state-run Chinese telecommunications firm – would help us make use of the ferry boat to help make the Pasig River ferry system operational,” pahayag ni San Juan.

Sinabi ni NTSI president Eduardo Bondad na ang 150-seater ferry boat ay pinatatakbo ng diesel engine. Mayroon itong isang television set na mapapanooran ng mga pasahero upang hindi mainip sa biyahe.

Imahe mula sa PNA

May toilet at internet connection din ang bagong ferry boat.

Ayon kay MMDA chief of staff at deputy chair for the ferry service na si Michael Salalima, inaasahan nila na lalong dadami ang mga tatangkilik sa serbisyo. Sa ngayon ay umaabot na sa 1,000 ang daily ridership ng ferry service na mayroong pitong ferry boats.

Ang dalawa sa pitong ferry boats ay ipinahiram ng Pasig City.

Sa mga susunod na linggo, dalawa pang ferry boat ang inaasahang ido-donate sa Pasig River Ferry Service mula sa ibang private entity.

Imahe mula sa MMDA