699 pulis sa Zamboanga na sobra ang katabaan namemeligrong masibak sa serbisyo

  • Nasa 699 police officers sa Zamboanga City ang posibleng masibak sa serbisyo dahil sa labis na katabaan
  • Ipinatawag ang mga obese cops sa regional headquarters para sa BMI evaluation
  • Dapat magbawas ng 2 kilos na timbang kada buwan ang mga matatabang pulis hanggang sa maabot ang normal BMI nila

Posibleng matanggal sa serbisyo ang nasa 699 police personnel mula sa Police Regional Office 9 (PRO 9) na itinuturing na obese o sobra ang katabaan kung hindi sila makasusunod sa intervention program ng PNP.

Imahe mula sa JuanTam82204630 twitter account

Ipinatawag ni PRO 9 Regional Director Brigadier General Froilan Quidilla ang mga matatabang pulis mula sa kani-kanilang mother unit upang mag-report sa regional headquarters para sa gagawing body mass index (BMI) evaluation.

Ang BMI evaluation ay bahagi ng internal cleansing program ng PNP. Sa ilalim nito, ang mga obese cops ay dapat na makapagbawas ng dalawang kilo sa kanilang timbang kada buwan hanggang maabot nila ang kanilang normal BMI range.

Ang mga pulis naman na severely underweight ay kailangang magdagdag ng isang kilo hanggang tatlong kilo sa kanilang timbang kada isang buwan hanggang maabot ang kanilang normal BMI range.

Sa ginawang evaluation sa Camp Abendan, sinabi ni Brig. Gen. Quidilla na maraming pulis ang nadiskubreng obese. Narito ang listahan ng bilang ng mga obese cops mula sa bawat unit:

  • 42 sa Regional headquarters
  • 5 sa Isabela City Police Station
  • 178 –sa Zamboanga del Norte Police Provincial Office
  • 182 sa Zamboanga del Sur Provincial Polic Office
  • 181 sa Zamboanga City Polic Office
Imahe mula sa About Cagayan de Oro

Sa Zambanga Sibugay Provincial Police Office ay may 86 obese cops at 25 naman sa Police combat force of Regional Mobile Force Battalion 9.

“Everyone must be fit in performing law enforcement jobs.  BMI should be strictly complied as part of the internal cleansing program otherwise a dismissal order is sought against any member of the PNP,” babala si Quidilla.

Samantala, hinikayat ni Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ang mga matatabang pulis na sumali sa weekly zumba sessions na ginagawa sa Mayor Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex.

Imahe mula sa DZRH News
Source :

Abante, Philstar