VP Robredo umapela ng donasyon para sa mga nasalanta ni “Tisoy”

  • Nanawagan si VP Leni Robredo ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagy0ng “Tisoy”
  • Sabi ni VP Robredo kailangan ng mga nasalanta ang tubig, pagkain at building materials tulad ng plywood at yero
  • Humingi rin ang Bise Presidente ng panalangin para sa kaligtasan ng mga naapektuhan ni “Tisoy”

Nanawagan ng donasyon si Vice President (VP) Leni Robredo para sa mga pamilya sa Bicol region at sa iba pang lugar na labis na apektuhan ng malakas na hagupit ng bagy0ng “Tisoy” na nagdulot ng malaking pinsala sa mga lugar na dinaan nito.

Imahe mula sa Office of the Vice President

Ayon kay VP Robredo, na isang tubong Bicol, ang Office of the Vice President, sa pamamagitan ng #AngatBuhay partner nitong “Kaya Natin,” ay tumatanggap ng mga donasyon para sa mga apektado ni “Tisoy.”

“The Office of the Vice President, through our #AngatBuhay partner, Kaya Natin!, is currently accepting donations for our kababayans affected by Typhoon Tisoy,” post ng Bise Presidente sa kanyang  social media account.

Aniya, kailangan ng mga nasalanta ng bagy0 ang  ng mga building materials tulad ng plywood at yero; mga kumot, toiletries, bottled water, at mga pagkaing ready-to-eat tulad ng “easy open” canned goods at instant noodles.

Maaari umanong ipadala ang mga donasyon sa address ng Kaya Natin! office sa 21 Kaliraya St., Brgy. Doña Josefa, Quezon City.

Nilinaw ni VP Robredo na hindi tumatanggap ng cash donations ang Office of the Vice President.

Aniya, ang mga nais mag-donate ng cash ay maaari mag-deposito sa bank account ng KN Movement for Good Governance and Ethical Leadership, Inc. sa Bank of the Philippines (BPI) na may account number na 3081-1173-72.

Imahe mula kay VP Leni Robredo

Hinikayat niya ang mga cash donors na ipadala sa [email protected] ang kopya ng deposit slip.

Bukod sa mga donasyon, humingi rin ang Bise Presidente ng panalangin para sa kaligtasan ng mga naapektuhan ni “Tisoy.”