The Hungry Syrian Wanderer, binigyan ng make–over at permanenteng trabaho ang isang karpintero

  • Binigyan ng isang make–over ni The Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil ang isang karpintero
  • Bukod dito, binigyan pa niya ito ng permanenteng trabaho
  • Niregaluhan pa niya ito ng bisikleta

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging mahusay na empleyado ng isang kompanya? Nakabatay ba ito sa kaniyang pinag–aralan? Sa kaniyang mga naabot sa buhay na makikita sa kaniyang curriculum vitae o resume? Sa kaniyang mga karanasan? O baka naman sa kaniyang hitsura?

Binigyan ng pagkakataon ng tinaguriang “The Hungry Syrian Wanderer” na si Basel Manadil ang isang karpintero na makapag make–over sa kaniyang sarili; at bukod dito, binigyan pa siya ng permanenteng trabaho. Makikita ito sa Facebook post ni Basel at sa kaniyang Youtube channel.

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil

Bukod dito, ibinahagi rin ni Basel na matapos niyang makatapos ng kursong Engineering, maraming kompanya ang hindi tumanggap sa kaniya dahil mas gusto nilang may karanasan sa larangan ang kanilang tatanggapin. Sa pagbabalik–tanaw ngayon ni Basel, may sarili na siyang negosyo at ang mga tinatanggap niyang empleyado ay mga taong may mabuting karakter.

“Extreme MAKE–OVER and giving a CONSTRUCTION WORKER a PERMANENT JOB. After graduating with a Degree in Engineering I was turned down by a lot of companies because they are looking for someone who has “experience”. Fast forward today, I own a growing business and I’ll make sure to give chance and opportunities to our simple Kababayan who deserves a chance. No experience requirement, no educational attainment requirement, no age limit whatsoever.”

Ipinagmamalaki rin ni Basel na kahit maliit lamang ang kaniyang negosyo, malaki naman ang pus0 niya para sa mga taong nangangailangan ng oportunidad.

Imahe mula sa Facebook page ni Basel Manadil

“I have a small shop, 36sqm lang but Im employing as much as possible just to give these people opportunity. With humility and compassion, I’m proud to say that all of my employees didn’t need to have professional working experience, I never asked for educational requirement, age requirement whatsoever. I never look on their paper works. What I care about is their character.”

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa netizens.

“Aww I’ve watched this last night when the video was uploaded an hour ago and my tears almost fell for being inspired through your actions thank you and God bless Kuya Basel!”

“We can always teach skills and knowledge to adult people but not the good character… thank you brother for giving opportunity for our fellows who are deprived of paper-based requirements.”

Bukod sa make–over at trabaho, niregaluhan pa ni Basel ng bisikleta ang naturang karpintero.

Panoorin ang video mula sa YouTube channel ni “The Hungry Syrian Wanderer”: