Tatay na hindi nakausap ang kanyang pamilya ng 20 taon, tinulungan ng dalagita na nawalay rin sa ama

  • Minsan ay  ipinost ni Camille sa Facebook ang kuwento at hiling niya para kay Tatay Robin
  • Nagmagandang loob siya rito upang makabalik si tatay sa kanyang pamilya na 20 taon niya nang ‘di nakikita
  • Sa tulong ni Camille nakausap ni tatay ang kanyang bunsong anak sa isang video call

Kay hirap mawalay sa mga anak lalo na’t iyon lamang ang paraan upang maghanap ng ikabubuhay para sa pamilya..  Ngunit mas mahirap ang hindi mo sila makausap ng 20 taon.

Imahe via @Camille Ramos | Facebook

‘Yan ang kuwentong ibinahagi ni Camille Roxas sa social media noong mga nakaraang buwan. Dala ni Camille ang istoryang muntik nang nilimot ng panahon ngunit muling sinariwa ng GMA News sa layuning masolusyunan ang kaniyang hiling. Sa pagbabalik tanaw, narito ang kuwento niya.

Nakilala niya si Tatay Robin Conception nang minsan siyang magpaayos ng sapatos dito. Tinanong niya si tatay kung kumain na ba ito. At nang hindi pa, binigyan niya si tatay ng makakain.  Sa pakikipagkuwentuhan, doon niya nalaman ang kuwento ng buhay nito.

Si tatay ay 68 taong gulang na ta  nagmula sa Bayawan Cty, Negros. Dumayo siya ng Maynila upang maghanap ng trabaho. Sampu ang kanyang mga anak na maliliit pa nang umalis siya.  Nagpalipat-lipat si tatay ng trabaho.

Anumang hirap ang kanyang dinanas ay nanatili itong tapat at mabuti. Ngayon, 20 taon na ang nagdaan, hindi  pa rin nakamtan ni tatay ang kaginhawaan. Nabubuhay ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sapatos at payong. Halos isang beses lang itong makakain sa isang araw.  At ang naging tahanan nito ay isang maliit na barung-barong.

Matagal na rin itong nangungulila sa pamilya dahil 20 taon na nitong hindi nakakausap ang kanyang pamilya.

Naging malapit si Camille kay tatay dahil wala rin itong ama.  Iniwan sila nito isang linggo matapos lumisan ang kanilang ina.  

Sa pamamagitan ni Camille, nakausap ni tatay ang isa niyang anak sa pamamagitan ng video call.  Pinapauwi na ito sa kanila dahil sa sobrang miss nito ang kanilang ama. Gustuhin man ni tatay, wala itong pera upang makauwi.

Imahe via @Camille Ramos | Facebook

Kaya ito ang naging hangarin ni Camille sa pagpost sa kanyang kuwento at larawan sa Facebook — na sana balang araw, may tutulong sa kanya para muli niyang makapiling ang kanyang pamilya.

Saludo kami sa patuloy ninyong pagiging mabuti sa kabila ng kahirapan.  Hiling namin na magkatotoo ang mga nais ninyo ngayong Pasko.

Narito ang buong luwento ni tatay.

Source :

Facebook, GMA News