“Pop Punk Queen” Avril Lavigne may concert sa Maynila sa 2020

  • Nakatakdang magkaroon ng concert ang “Pop Punk Queen” na si Avril Lavigne sa Pilipinas sa taong 2020, ayon sa Wilbros Live
  • Bahagi ito ng kaniyang world tour na “Head Above Water” na magaganap sa Araneta Coliseum sa May 20, 2020
  • Nasabik naman ang mga tagahanga ng Canadian French singer sa magandang balitang ito kaya naman nananabik na silang bumili ng ticket ngayon pa lamang

Nabulabog ang mga tagahanga ng international rock artist na si Avril Lavigne matapos mabatid na magkakarooon to ng concert sa Maynila, sa darating na taong 2020.

Imahe mula sa official Facebook page ng Wilbros Live

Inihayag ng local events promoter na “Wilbros Live” sa kanilang opisyal na Facebook page ang nakatakdang concert ni Avril sa Pilipinas na pinamagatang “Head Above Water” na idaraos sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City sa darating na Mayo 20, 2020.

“Announcement. Hey. Hey. You. You. AVRIL LAVIGNE!! ‘Head Above Water World Tour’ in MANILA, May 20, 2020 at the Araneta Coliseum. Tickets go on-sale December 21.”

Narito ang ilan sa mga komento ng mga avid fans ni Lavigne:

“Hay, alam mo ba Avril sinikap kong mag–aral ng gitara dati dahil ginagaya kita… at yes, hndi ako nabigo, natuto akong maggitara, at higit sa lahat ginamit ko ang aking talento sa pag–awit para sa praise and worship at pagpuri sa Panginoon.”

“Hindi ko na ‘to palalampasin pa! I want to see her in person and hear her amazing voice! She’s my idol since day 1 and yet hindi pa ako nakapunta sa concert niya. Next year would be so amazing! I’m so excited to see you Avril Lavigne!”

Public Domain Image

“Ayan! Sabi na nga ba! Hala magdagsaan na kayo next year! Ano ‘to? 16 hours OT per day you want hahaha.”

Si Avril Lavigne ay isang Canadian–French singer, songwriter, at aktres. Nakilala siya sa taguring “Pop Punk Queen” dahil sa kaniyang rakista at punkistang estilo ng pagkanta. Nakilala siya sa mga awiting “Complicated”, “Girlfriend”, at marami pang iba.

Tara na’t muling makinig sa kanyang sumikat na “Complicated”: