Panukalang dagdag-sweldo ng mga government employees, pasado na sa Senado

  • Pasado na sa huli at ikatlong pagbasa sa Senado ang panukalang dagdag-sweldo sa mga civilian government employees 
  • Sa oras na maisabatas ang panukala, tataas ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno ng hindi bababa sa 20% sa taong 2023
  • Ang salary increase ay planong ibigay ng apat na bugso na sisimulan sa Enero 2020 at matatapos sa taong 2023

Inaprubahan na ng Senado sa huli at ikatlong pagbasa nitong Lunes, ika-17 ng Disyembre, ang Senate Bill No. 1219 o ang Salary Standardization Law 5 (SSL 5) na magbibigay ng panibagong pagtaas sa basic salary ng mga civilian government employees.

Imahe mula sa Politiko

Kung maisasabatas ang panukala, tataas ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno ng hindi bababa sa 20 porsyento pagsapit ng taong 2023. Ang salary increase ay planong ibigay ng apat na bugso na sisimulan sa Enero 2020.

Tanging si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nag-abstain sa proposed SSL 5 dahil isinusulong niya ang five-percent across-the-board increase ng mahigit 1.4 million na kawani ng gobyerno bilang karagdagan pa sa proposed rate sa ilalim ng Senate Bill No. 1219.

“We feel that the increase is not even enough to respond to the needs of our workers,” paliwanag si Sen. Drilon sa desisyong mag-abstain sa botohan.

Inaprubahan din ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang bersyon nila ng panukalang batas – ang House Bill No. 5712 at inaasahang makalulusot ito sa huling pagbasa sa loob ng linggong ito.

Sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, ang mga senador at mga congressmen ay hindi kabilang sa mga magbebenepisyo sa panukalang dagdag-sweldo.

Imahe mula s Senate of the Philippines

Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya si ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa ginawang pag-apruba ng Kamara sa House Bill No. 5712 sa ikalawang pagbasa dahil nakapaliit lang umano ng ibibigay na salary increase sa mga rank-and-file government employees.

Aniya, ang maliit na umento ay kakainin lang ng mataas na presyo ng mga bilihin at income tax dahil sa TRAIN law. Nasa P16 kada araw lang umano ang itataas ng sahod ng mga kawani sa 2020 samantalang ang sahod ng mga guro sa ilalim ng salary grade 11 ay tataas lang ng P52 kada araw sa 2020.

Imahe mula sa Radyo La Verdad

“Wala nang natira sa barat na itinaas sa kanilang mga sweldo. Kulang na nga sa panawagan na P30,000, hinati-hati pa sa loob ng apat na taon. Para sa mga simpleng manggagawa ng gobyerno, ano ang mabibili ng dagdag na P16 kada araw? Para naman sa mga pampublikong guro, ano ang mabibili ng P52 kada araw?” reklamo ni Rep. Castro.

Sabi pa ng mambabatas, malayo sa substansiyal na dagdag-sweldo na unang ipinangako ni Pangulong Duterte ang nabanggit na panukala.

Source :

ABS-CBN, Politiko