Panoorin: Amazon employee napasayaw sa tuwa sa meryendang iniwan sa balkonahe para sa mga delivery man

  • Amazon employee napasayaw dahil sa snacks na iniwan sa balkonahe para sa mga delivery men na tulad niya
  • Nakunan ng doorbell camera ang munting sayaw ng delivery man
  • Viral na sa social media ang pagsayaw ng Amazon employee

Kumpara noong mga nagdaang taon, naging mas madali na ngayon ang pamimili tuwing Christmas season simula nang mauso ang online shopping. Kaya lang, nangangahulugan ito na magiging sobrang busy ang mga taga-deliver ng mga bagay na in-order ng shoppers.

Screenshot mula sa Facebook post ni Kathy Ouma

Bilang pasasalamat sa hard work ng mga delivery men, isang babae sa Middletown, Delaware sa Estados Unidos – si Kathy Ouma – ang nag-iiwan sa balkonahe ng bahay niya ng mga snacks o meryenda para sa kanila. Ilang taon na raw niya itong ginagawa.

Ngayong taon, nag-iwan pa ng isang maikling sulat si Kathy Ouma kasama ng isang basket na naglalaman ng bottled water, softdrinks at mga biscuit.

“UPS, USPS, Amazon, FedEx Please take some goodies to enjoy on your route. Thank you for making holiday shopping easy,” saad ng sulat.

Nitong unang linggo ng Disyembre , isang delivery man mula sa Amazon ang napasayaw sa tuwa nang makita ang snacks na iniwan ni Kathy Ouma. Ang pagsasayaw ng delivery man na nakilalang si Kareem Earl Reed III ay nakunan ng doorbell camera ng bahay ni Kathy.

Screenshot mula sa Facebook post ni Kathy Ouma

Matapos mabasa ang nakasulat sa note na iniwan ni Kathy Ouma, pumili si Kareem ng ilang mamimiryenda. Maririnig pa sa video ang mga sinabi niya habang pumipili ng snacks.

“Oh, this is nice. Oh, they got some goodies. This is sweet. This is so nice,” maririnig na sambit ng delivery man. At dahil sa tuwa, napasayaw pa ito habang pabalik na siya sa kanyang delivery truck.

Ipinost ni Kathy Ouma sa Facebook ang video ng munting sayaw si Kareem.

“This made my day,” caption ni Kathy Ouma sa post.

Nagkomento naman si Kareem sa post ni Kathy Ouma at sinabing naiwan niya ang lunch niya noong araw na iyon at medyo masama ang pakiramdam.

“Ms. Kathy Ouma I’m glad I could make you smile that day with this one. The thing about it is I forgot to bring my lunch that day and I wasn’t feeling good, until I got to your house and seen the snacks. May the Divine Bless you always for your Kindness.”

Viral na sa social media ang munting sayaw ni Kareem.

I-click ang larawan para mapanood ang pagsasayaw ni Kareem:

Screenshot mula sa Facebook post ni Kathy Ouma
Source :

Facebook, CNN