Pag-sorry ni Cayetano at Pang. Duterte hinggil sa aberya sa SEA Games, hinangaan ng OCA official

  • Paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte at House Speaker Cayetano sa aberya sa SEA Games, hinangaan ng sports official
  • Sinabi ng Olympic Council of Asia vice president na ngayon lang siya nakarinig na inako ng isang lider ng bansa ang responsibilidad sa aberya sa sports event
  • Naniniwala ang OCA official na handa na ang Pilipinas na mag-host ng mas malaking international sports event

Bumilib ang opisyal ng Olympic Council of Asia (OCA) sa ipinakitang kababaang-loob nina President Rodrigo Duterte at House Speaker Alan Peter Cayetano hinggil sa mga nangyaring aberya bago ang pormal na pagsisimula ng 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Imahe mula sa PCOO

Sinabi ni OCA Vice President Wei Jizhong na ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sports na narinig niya na ang lider ng isang bansa at ang speaker ng House of Representatives na humingi ng paumanhin sa mga nangyaring “kapalpakan” sa hosting ng SEA Games.

“This is only the first time that I’ve heard the president and the speaker apologize, I’ve never seen that. This is the first time and this means the high authority of the country is keen to provide the best condition,” sabi ni Jizhong sa mga mamamahayag sa isang news conference.

Ani Jizhong, normal na ang pagkakaroon ng mga kaunting aberya sa mga sports events, maging sa ibang panig ng mundo.

Dahil sa kababaang-loob na ipinamalas ni Pangulong Duterte at House Speaker Cayetano sa pag-amin ng pagkukulang, sinabi ni Jizhong na ito ay patunay lang na handa na ang Pilipinas para mag-host ng mas malaking international sports event.

Imahe mula sa Eagle News

Sinabi pa ni Jizhong na maayos naman ang pagkaka-organisa ng SEA Games.

Kaugnay nito, hinikayat niya ang Pilipinas na mag-bid para sa hosting ng Asian Olympics na idaraos sa taong 2030.

“During the opening ceremonies, we witnessed the enthusiasm of all the participants because you allowed the athletes to walk in droves because sometimes they limit the number. The parade is to honor the athletes, and that just means the Philippines is capable of organizing bigger scale games,” aniya.

Imahe mula sa CNN PH

Samantala, pinarangalan ng Sports Industry Awards Asia, ang leading sports business conference and awards platform sa Asya, ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na pinamumunuan ni House Speaker Cayetano bilang best organizer of the Southeast Asian Games.

Ang award ay ibinigay matapos ang isinagawang world-class opening ceremonies ng SEA Games sa Philippine Arena na hinangaan ng mga manonood mula sa iba’t bang panig ng mundo.