New favorite salad alert: “Lechon salad” ng isang kainan, patok sa mga netizens

  • Viral sa Facebook ngayon ang isang kakaibang salad recipe
  • Gawa kasi ito sa lechon sa halip na gulay at prutas
  • Maraming netizens naman ang natuwa na ayaw kumain ng gulay

Sa mga nais kumain ng masustansyang pagkain, isa ang salad sa takbuhan nila upang makakuha ng tamang nutrisyon. Tanyag kasi ang salad sa mga masusustansyang sangkap katulad ng gulay at prutas.

Nagiging mas kaaya-aya ito sa mga kumakain dahil sa inihahalong sauce nito na nagbibigay ng lasa sa prutas at gulay. Ang iba naman ay nilalagyan din ng karne ang salad upang makakuha rin ng protina ang mga kakain nito.

Ngunit ang katotohanan, hindi naman lahat ng Pilipino ay mahilig sa prutas at gulay. Kaya naman ang ilan sa atin ay pinangingilagan ang salad dahil hindi nila gusto ang lasa ng gulay at prutas kahit masustansya ito.

Larawan mula sa Facebook post ni Tang Monastrial

Pero sa isang trending Facebook post, mukhang ang mga umiiwas sa gulay at prutas ay mapapakain na ng salad. Dahil ang isang recipe na kumakalat sa social media ay hindi bunga ng puno ang sangkap, kung hindi ang paboritong pagkain tuwing may handaan na litson.

Ayon sa post ni Tang Monastrial, ibinebenta raw sa kainang Timplador ang lechon salad. Hindi prutas o gulay ang sangkap kung hindi maliliit na hiwa ng lechong baboy. Sa unang tingin, mukhang sisig o dinakdakan ang lechon sisig dahil sa hiwa ng karne, kasama pa ang mga sibuyas at siling haba.

Ang kakaiba pa, ang lechon salad ay ipinapares sa kanin. Nagkakahalaga ng 120 pesos ang lechon salad na may kasamang kanin habang ang ala carte naman ay 100 piso ang halaga.

Maraming netizens naman ang natuwa sa kakaibang salad recipe na ito. Umabot na nga sa halos 4,400 reactions at 9,000 shares ang post ni Monastrial. Ayon sa kanila, ito na raw ang salad na hinihintay nila. Biyaya raw ito sa mga katulad nilang gustong kumain ng salad pero ilag sa mga gulay.

Larawan mula sa PNA

“Finally, a good salad recipe! Siguradong magiging paborito ko na ang salad nito,” biro ng isang netizen sabay share ng post ng larawan ng lechon salad.

Para naman sa mga totoong nagda-diet sa ilalim ng ketogenic na proseso, isang panibagong recipe na naman daw ang mapapasama sa kanilang pagpipilian dahil kailangan ay kumain sila ng high-fat food bilang kapalit ng carbohydrates.

Game ka bang subukan ito?