Mister, binilhan ng iPhone 11 Pro Max ang misis nito na humiling sa socmed

  • Nasurpresa ang isang misis matapos siyang bilhan ng kaniyang mister ng regalong kaniyang inaasam-asam
  • Nagpahayag ito sa Facebook na nais niya ng iPhone 11 Pro Max na agad namang pinatulan ng kaniyang asawa
  • Labis naman ang pasasalamat ng misis sa kaniyang mister dahil sa regalong kaniyang natanggap

Hindi inakala ng isang misis na maaari niyang mapasakamay ang inaasam-asam na cellphone sa pamamagitan ng simpleng pagpost tungkol dito sa social media.

Imahe mula kay Christine Luarca | Facebook

Ibinahagi ni Christine Luarca sa Facebook noong December 7 ang mga larawan na nagsasaad kung paano tinupad ng kaniyang asawa ang kaniyang kahilingan sa social media.

Nagsimula ang lahat matapos magpost si Christine ng hiling nitong “iPhone Pro 11 Max” sa Facebook.

Makikita na napansin ito ng asawang si Alfie Viela at tinanong agad kung anong specifications ang hanap niya para sa nais nitong cellphone. Nagpahaging pa ito sa kaniyang asawa na kung hindi siya nagbibiro ay aanakan niyang muli ang misis.

Saka na lamang naniwala si Christine nang mawakan na nito ang cellphone na bigay ng kaniyang asawa. Labis ang pasasalamat nito kay Alfie dahil tinupad niya ang simpleng hiling ng misis na nagsimula sa simpleng post sa Facebook.

Marami naman ang kinilig sa paraan ng pagsusurpresa ni Alfie sa kaniyang misis. Ang iba pa nga ay napasabi na lang ng ”sana all” kasabay ng pag-tag ng kani-kaniyang mga asawa at kasintahan sa comment section.

Imahe mula kay Christine Luarca | Facebook

Sa ngayon ay umabot na sa higit 8,400  reactions at 16,000 shares ang post ni Christine sa Facebook at marami ang napapa-wish na sana sila rin ay maregaluhan ng ganoon.

“Kahit ‘wag na cellphone cash na lang! Dami kong gusto bilhin alam mo na. Hahaha,” sabi ni MJCV.

“Kahit kiss and hug lang po. Hehe,” sabi naman si TM pagkatapos i-tag ang pangalan ng kaniyang kasintahan.

Karamihan sa mga ito ay umaasa na mapansin ng kanilang mga minamahal at mapagbigyan din ang kanilang mga kahilingan.

Source :

Facebook