Mga pulis, nagsagawa ng ‘surprise road operation’ ngayong kapaskuhan

  • Time-out muna ang mga pulis sa mga seryosong operation
  • Sa Facebook, viral ang video kung saan sinurpresa ng mga awtoridad ang isang pedicab driver matapos nila itong ‘sitahin’
  • Magiliw silang nangaroling at binigyan pa ang driver ng simpleng panghanda para sa nalalapit n kapaskuhan

Panandaliang nagtime-out muna ang mga pulis sa mga seryosong police operation para magbigay saya at biyaya sa ibang mga motorista.

Imahe mula sa Facebook video ni DjRed Gonzales Pacs

Sa Facebook noong December 8, ibinahagi ni DjRed Gonzales Pacs ang video kung saan mapapanood ang surpresang handog ng mga alagad ng batas sa isang ‘padyak’ driver.

Makikita rito na pinahinto ng mga pulis ang driver habang binabaybay nito ang kalsada sa kanilang lugar. Kapansin-pansin din na higit sa limang miyembro ng mga kapulisan ang bumaba sa kani-kanilang mga sasakyan at agad na pumalibot sa lalaki.

Bagama’t ‘di malinaw para sa lalaki kung bakit siya pinara ng mga awtoridad, sinubukan pa rin nitong magpaliwanag para ipagtanggol ang sarili sa kung anuman ang isyu o violation na posibleng ipinupukol sa kanya.

“Hindi ba alam mong bawal bakit nandito ka pa sa labas,” tanong ng isang officer. “Tanungin kita ngayon, anong sini-celebrate sa December 25?”

Bago pa man lumabis ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ay inamin na nito ang motibo ng mga awtoridad sa likod ng ‘pagsita’ sa lalaki.

”Pasko! O, nandito kami para bigyan ka, kantahan ka namin para sa Pasko.”

Magiliw silang nangaroling sa harap ng lalaki na natawa na lang sa mga pangyayari. Binigyan din nila ang lalaki ng mga simpleng panghanda para sa nalalapit na kapaskuhan.

I-click ang imahe para mapanood ang video sa Facebook | DjRed Gonzales Pacs

Todo naman ang pasasalamat ng driver sa mga pulis dahil sa kanilang munti ngunit makabuluhang supresa. Hindi araw-araw ay makatatanggap ka ng ganitong surpresa at mula pa sa mga awtoridad.

Sa kasalukuyan ay umani na ang video ng halos 67,000 reactions at mayroon na rin itong 44,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook