- Metro Manila nasa kalagitnaan ng isang garbage cri
sis - Balewala ang mga clean-up operations kung mananatiling walang disiplina ang mga tao sa pagtatapon ng basura
- Ang mga susunod na henerasyon ang lubhang maaapektuhan kapag hindi natugunan ang garbage cri
sis
Balewala ang mga clean-up operations na ginagawa ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Reosurces (DENR) kung hindi babaguhin ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa paligid.

Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na isang prerequisite ang pagdidisiplina sa mga Pilipino sa tamang pagtapon ng basura upang matugunan ang krisis sa basura na kinahaharap ng bansa, partikular na sa Metro Manila.
Ani Cimatu, napag-alaman ng ahensya na ang ugat ng problema sa basura sa Metro Manila ay ang maraming informal settlers na nagtatapon ng kanilang mga basura sa mga estero.
“We found out really that it’s a culture and behavior problem. Because despite our warning to them to not throw anything in the water, nandiyan na naman,” anang kalihim patungkol sa informal settlers.
Nais ng DENR na bakuran ang mga estero upang hindi na makapagtapon doon ang mga tao. Plano rin ng ahensya na gumawa ng common septic tank para sa mga informal settlers habang hindi pa sila naire-relocate.
Nagbabala si Cimatu na kung hindi babaguhin ng mga tao ang maling pagtatapon ng basura, tayong lahat, kabilang ang mga susunod na henerasyon, ang magdurusa sa epekto ng krisis.

“We and the following generations will all suffer the consequences if we do not change the way we behave as an organization and as individuals,” aniya.
Sinabi pa ng kalihim na sa loob lang ng anim na buwan ay nahigitan na ang waste generation target para sa 2019.
“The target estimated waste generation baseline for 2019 of 58,112.31 cubic meters has already been surpassed,” pahayag ni Cimatu.
