Mandatory financial literacy course iminungkahing ituro sa lahat ng estudyante

  • Iminungkahi ni Senator Serwin Gatchalian na turuan ng tamang paghawak ng salapi ang mga kabataan
  • Ipinanukala niya na gawing mandatory sa lahat ng antas ng edukasyon ang pagtuturo ng Economics and Personal Finance course
  • Sa datos ng isang financial services company, 25% lang ng Filipino adults ang financially literate

Sa layuning magkaroon ng tamang kaalaman sa tamang paghawak at pangangasiwa ng salapi ang mga estudyante, iminungkahi ni Senor Sherwin Gatchalian na gawing mandatory ang pagtuturo ng Economics and Personal Finance (EPF) course sa lahat ng antas ng edukasyon.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Sa ilalim ng panukalang batas ng senador – ang Senate Bill no. 1192 o ang “Economics and Financial Literacy Curriculum Act of 2019” – kailangang kumpletuhin ng mga mag-aaral sa elementarya, high school, kolehiyo at maging sa technical-vocational ang EPF course bilang pre-requisite sa graduation.

Ayon kay Senator Gatchalian, ang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, kapag naisabatas ang kanyang mungkahi ay matuturuan ng “good money management habits” ang mga estudyante upang sa hinaharap ay maging “financially responsible adults” sila.

Kabilang sa mga leksyon na ituturo sa elementarya ay ang tamang desisyon sa paggasta, paghahanda ng budget at pag-iimpok. Tatalakayin naman sa mas mataas na antas ng edukasyon ang “credit, investments, mortgages at retirement planning.”

“Halos 18 taon o higit pa ang ginugugol ng mga bata para sa pag-aaral, ngunit nagtatapos silang kapos ang kaalaman sa tamang paggamit ng salapi. Pag nagtatrabaho na sila, ginagawa nilang biruan ang petsa de peligro, pero hindi biro ang kakulangan nila ng kaalaman pagdating sa paghahanda sa kanilang kinabukasan,” paliwanag ni Senator Garchalian.

Imahe mula sa Money Max

“Sa paghahain natin ng ganitong batas, matuturuan natin ang mas maraming kabataan na maging mas responsable at handa lalo na’t darating ang panahon na aako sila ng mas maraming responsibilidad,” dagdag  pa ng senador.

Ang mga guro ng magtuturo ng EPF ay isasailalim sa professional development course upang matiyak na mahusay nilang maituturo ang EPF course sa mga mag-aaral.

Binanggit ni Senator Gatchalian na batay sa datos ng Standard & Poor’s latest Global Financial Literacy survey, isang financial services company, 25 percent lang ng Filipino adults ang financially literate.