Liza Soberano, Jessy Mendiola at James Reid, pasok sa listahan ng 100 Most Beautiful, Handsome Faces 2019

  • Tatlong local celebrites pasok sa Most Beautiful/Handsome Faces of 2019 ng TC Candler & The Independent Critics
  • Si Jessy Mendiola ay nasa 93rd spot at si Liza Soberano ay 10th sa 100 Most Beautiful Faces 2019
  • Si James Reid ay 43rd sa litahan ng 100 Most handsome Faces of 2019
  • Ang K-Pop idols na sina Jungkook (Most Handsome Face) at Tzuyu (Most Beautiful Face) ang numero uno sa listahan

Inilabas na ng TC Candler & The Independent Critics ang latest list ng 100 Most Beautiful/Handsome Faces para sa taong 2019 at kabilang sa listahan ang tatlong Pinoy celebrities na sina Liza Soberano, Jessy Mendiola at James Reid.

Imahe mula sa TC Candler & The Independent Critics

Taon-taon ay inilalabas ng TC Candler ang world famous na 100 Most Beautiful Faces List na sinimulan noon pang 1990 at ang 100 Most Handsome Faces List na nagsimula noong 2013 na ngayon ay kasing popular na rin ng most beautiful faces list.

Ayon kay TC Chandler, ang creator ng listahan, hindi ito popularity contest at hindi rin country specific.

Sa pagpili ng makakasama sa listahan, ang 20 independent critics mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nakikinig sa napakaraming mga suhestyon mula sa publiko. Ang aesthetic perfection ay isa lang sa mga criteria sa pagpili.

Ang grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, hope… ang lahat ng mga ito ang kumakatawan sa isang magandang mukha. Sa mga nasabing criteria, pumipili ang TC Candler & The Independent Critics ng 100 faces mula sa libo-libong celebrities.

Ngayong 2019, ang aktres na si Jessy Mendiola ay pang 93 sa listahan ng 100 Most Beautiful Faces. Ito na ang ikatlong beses na napasama siya sa listahan at ang pinakamataas ay 55th noong nakaraang taon.

Imahe mula sa TC Candler & The Independent Critics

Si Liza Soberano naman ang 10th sa listahan. Hall of Famer na siya sa listahan ng TC Candler dahil panlima na niya itong appearance. Nanguna siya sa listahan noong 2017.

Samantala, nasungkit ni James Reid ang 42nd spot sa listahan, Tulad ni Jessy Mendiola, ito rin ang pangatlo niyang appearance sa list at ang pinakamataas na nakuha niya ay 4th place noong 2017.

Imahe mula sa TC Candler & The Independent Critics

Ang number 1 celebrity na may pinakamagandang mukha para sa taong ito ay ang K-pop idol na si Tzuyu (Chou Tzu Yu) ng grupong Twice. Isa na rin siyang Hall of Famer sa panlima niyang appearance sa listahan at ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nasungkit niya ang Most Beautiful Face of 2019 title. Pumangalawa siya noong nakaraang taon.

Si Jungkook ng K-pop boy group na BTS ang hinirang na may Most Handsome Face ngayong 2019. Hall of Famer na rin siya sa ika-apat na appearance sa listahan. Noong nakaraang taon ay pumangalawa siya sa list na ang nanguna ay si Jason Momoa na naging popular sa pelikulang “Aquaman.”

Imahe mula sa TC Candler & The Independent Critics
Source :

Facebook