Balik tanawin ang Shatong, isa sa mga laro ng lahing Pilipino noon

  • Sa isang post sa Reddit binalikan ng mga netizens ang alaala nila sa paglalaro ng Shatong
  • Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng dalawang patpat kung saan mas maiksi ang isa
  • Ibinahagi rin kung paano laruin ang shatong na kabilang sa laro ng lahing Pilipino

Maraming kabataan ngayon ang maaaring hindi na nakapaglaro ng mga kinahiligang “laro ng lahi noon”. Ito ay dahil sa mga nauusong high-tech na gadgets na kahit mag-isa at ‘di na kailangang lumabas ay mag-eenjoy ka na.  Subalit iba pa rin ang sayang hatid ng mga ito na katawan lang ang puhunan.

Imahe via @u/exchangeinfees | Reddit

Ito ang binalikan ng mga netizens sa isang post sa Reddit. Sa caption na “Isa sa mga magagandang laro dati” inilarawan nito ang  shatong sa pamamagitan ng mga litrato ng mga naglaro nito.

Paano ba laruin ang Shatong?

Kilala rin ito sa tawag na Shato o Shatom at may paiba-ibang bersyon ng paglalaro. Dalawang pangkat ang bubuo sa Shatong na may dalawa o tatlong manlalaro bawat grupo.  Ginaganap ito sa isang malawak na espasyo.

Nagsisimula ang Shatong sa paghagis ng maikling stick o “shorty” na nakapatong pahalang sa itaas ng pahabang butas gamit ang mahabang kahoy.  Maaari rin itong ipatong sa itaas ng dalawang bato.  Kapag hindi ito nasalo ng katunggali, ilalagay ang mahabang kahoy sa lupa at dapat matamaan nila ito gamit ang “shorty”.  

Pag hindi natamaan, ihahagis ulit ang “shorty” sa pamamagitan ng pagpalo gamit ang mahabang patpat papunta sa mga katunggali.  Pag hindi nasalo, ihahagis pabalik ang “shorty” at kailangang tatamaan ito upang maipalayo sa butas. Susukatin ang distansya mula sa butas hanggang sa kinabagsakan nito gamit ang mahabang stick at iyon ang magiging puntos ng grupo. 

Philippine Army naglaro ng Shatong | Imahe kuha muka sa video ni Annetot via YouTube

Iilan lamang ‘yan sa mga patakaran ng buong laro.  Nagpabago-bago na rin ito depende sa mga manlalaro. Ngunit ang nanatili ay ang saya na bigay nito tuwing pinapaalala sa atin. 

Ayon sa isang netizen, “Aahh… The good old days.  No phone No computer, No social media. I am old. “

“Syato! Wow the memories! Favorite naming laro ‘yan nong elementary ako.”

“Ang sarap ng feeling pag natira mo ‘yung kahoy pagkahagis tas ang layo ng narating!”

“Nakaka-miss tapos yung pamatpat ang ipapamalo sa iyo ng nanay ko kasi maghapon kang nasa labas ng bahay, gitna ng kalye, at hindi mahanap kakalaro. Good riddance!”

Nakatutuwang balikan ang larong sariling atin.  Sana’y hindi ito mawala sa paglipas ng panahon.

Source :

Reddit