Wedding photo at video na may temang gender switch, kinaaliwan online

  • Pawang good vibes ang dala ng gender switch wedding photo at video ng bagong kasal na sina Lomel at Khirly Taghoy
  • Kasama ang kanilang mga kaibigan, ipinakita ni Lomel ang kaniyang mapilantik na pose habang si Khirly naman ay ipinamalas ang pagka-astig sa kanilang wedding pictorial
  • Natuwa naman sila sa kinalabasan nito at sinabing mas naging memorable ang kanilang kasal nang mag-viral ang nakaaaliw nilang tema
Imahe mula sa video ng Kit Avanceña Films Facebook page

Hindi maitago ng bagong kasal na sina Lomel at Khirly Taghoy ang kanilang tuwa matapos mag-viral ang nakaaaliw na tema ng kanilang pre-wedding photo at video sh0ot.

Ibinahagi ng Facebook page na Kit Avanceña Films sa Facebook noong November 18 ang video na in-edit ng kanilang grupo sa parehong araw ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan.

Kasama ang kanilang mga kaibigan, nabuo nina Lomel at Khirly ang kanilang gender switch pictorial and video.

Makikita rito ang pagiging “game” ng mga lalaking kaibigan ni Lomel habang ipinakikita ang mapilantik nilang awra at makendeng nilang pagrampa.

Hindi naman nagpadaig ang kababaihan na kasama ni Khirly dahil nailabas nila ang kani-kanilang astig na imahe habang nakasuot ng boxer shorts.

Bagama’t marami ang natuwa sa video, seryoso naman ang magkasintahan pagdating sa mismong araw ng kanilang kasal. Emosyonal silang nagsumpaan ng walang hanggang pagmamahalan, sa hirap man at sa ginhawa, at sa harap ng kanilang mga minamahal na pamilya at kaibigan.

Imahe mula sa video ng Kit Avanceña Films Facebook page

Sa isang panayam naman sa GMA News, sinabi nina Lomel at Khirly na mas naging memorable ang kanilang pag-iisang dibdib dahil na rin sa dami ng naka-appreciate ng kanilang viral wedding photos at video.

Congratulations sa newly weds!

Source :

Facebook, Youtube