Version ni Bamboo ng Frozen OST na ‘Let It Go’ sa The Voice Kids finale, trending sa social media

  • Trending sa social media ang version ng Let It Go ni Bamboo
  • Itinanghal nila ito ng contestant na si Carmelle Collado sa The Voice Kids Finale
  • Hindi inakala ng mga netizen na maaari palang gawing rock song ang nasabing Disney soundtrack 

Hindi maikakaila na si Bamboo Mañalac ang isa sa mga dinadakilang rock singer ng kanyang henerasyon. Mula sa pagiging bokalista ng mga bandang Rivermaya at Bamboo, naging matagumpay siya bilang isang solo performer at TV personality.

Higit na napamahal sa mga manonood si Bamboo nang maging coach sa The Voice of the Philippines. Pinasikat niya ang ilang aspiring singers mula sa kanyang team sa The Voice na tinawag na Kamp Kawayan.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

At sa finale nga ng latest season ng The Voice Kids, pinag-uusapan ang naging performance nila ng kanyang young artist na si Carmelle Collado. Binigyan kasi ng kakaibang twist ni Bamboo ang theme song ng Disney movie na Frozen, ang ‘Let It Go.’

Sa ipinalabas na video bago ang duet nina Bamboo at Carmelle, ipinaliwanag ng The Voice coach kung bakit ‘Let It Go’ ang napili niyang awitin ng pambato. Sumasalamin daw kasi ito sa kuwento ng kanyang young artist na ngayon ay nakikilala na sa industiya at panahon na para pakawalan ang kanyang husay sa finale.

Nang magtanghal na ang dalawa, tuwang-tuwa ang live audience sa kanilang performance. Komento at biro pa ng kapuwa coach na si Lea Salonga, na isang certified Disney star, hindi niya raw alam na mayroong nakatagong Elsa kay coach Bamboo.

Mayroong mga netizens na nag-reupload sa social media ng pagtatanghal nina Bamboo at Carmelle. Ang isa ay ang netizen na si Daryl Dionglay. Habang isinusulat ang balitang ito ay mayroon nang halos 92,000 reactions, 5,000 comments, at 51,000 shares. May halos 938,000 views na rin ang video.

Larawan mula sa YouTube video ng Kapamilya Trending

Gulat na gulat naman ang mga netizens dahil hindi nila inakalang maaaring kantahin ang sikat na Frozen OST sa paraang pa-rock na katulad ng ginawa nina Bamboo at Carmelle sa kanilang duet sa The Voice Kids.

“Woah! I never imagined that this song could be sang like this. This is so lit!!!” sabi ng isang netizen sa trending performance ni Bamboo at kanyang young artist sa The Voice Kids.

Source :

YouTube, Facebook