Timeless couple: Pagpapakasal ng 93 at 51 anyos na magkasintahan, naisakatuparan

  • Mula sa isang ordinaryong pangungumpisal, naisakatuparan ng 93-anyos na lalaki ang kaniyang pangarap na makapagpakasal sa kaniyang 51-anyos na kasintahan
  • Ayon sa Facebook post ng The Freeman, 11 taon nang magkasintahan sina Alfonso Flores at Elena Besabella
  • Ang simbahan na umano ang nag-asikaso sa mga kakailanganin sa kasal ng dalawa, maging ang kanilang reception para ipagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib
Imahe kuha mula sa Facebook page na The Freeman

Sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama, sa simbahan pa rin ang tuloy ng magkasintahang Alfonso Flores at Elena Besabella.

Ayon sa Facebook post ng The Freeman, naisakatuparan ang pagpapakasal ng dalawa matapos ang pagbisita ni Alfonso sa Santo Niño Parish na matatagpuan sa Mandaue City, Cebu upang mangumpisal.

Nagbahagi ito ng ilang larawan tungkol sa naging kaganapan sa pag-iisang dibdib ng 93-anyos na si Alfonso at ng 51-anyos na si Elena.

Makikita sa mga litrato ang sweet moments ng dalawa habang ipinapangako ang kanilang habambuhay na pagmamahalan sa isa’t isa. Kasama rin dito ang larawan nila kasama ang paring nagkasal sa kanila na si Rev. Fr. Michael Hisoler noong November 5.

Nalaman ng simbahan na 11 taon nang magkasintahan ang dalawa kaya naman hinikayat ng mga kawani nito si Alfonso na pakasalan na ang kaniyang long-time partner na si Elena.

Imahe mula kay Sacristan Alzon Rey Ruelo mula sa The Freeman Facebook page

Nagboluntaryo na rin umano ang simbahan sa pag-aasikaso ng kanilang kasal; maging ang reception para ipagdiwang ang pag-iisang dibdib ng dalawang labis na nagmamahalan.

Bagama’t magkalayo ang edad ng dalawa, nagsilbi namang silang inspirasyon sa social media. Marami ang natuwa sa pag-iisang dibdib nina Alfonso at Elena na talaga namang hahangaan mo dahil sa kanilang mala-forever na kuwento.

“Truly love knows no boundaries, nor age nor all odds. Grabeh!” pahayag ni RMCN.

“At last! This is the moment they will always remember! Congrats to Elena and Alfonso,” ani NP sa comment section.

“Kainggit naman si lola. Ang haba ng hair! Congrats po sa inyo!” sabi naman ni RMH.

Source :

Facebook