Street vendors balik na sa Divisoria, Mayor Isko nagbigay ng ilang kondisyon

  • Mga street vendors balik na sa Divisoria matapos payagan ni Mayor Isko Moreno
  • May inilatag na ilang kondisyon ang alkalde na dapat sundin ng mga vendors
  • Nakiusap ang mayor na huwag silang lalampas sa itinakdang sukat ng stall na ang laki ay isang metro kuwadrado

Balik na sa Divisoria ang mga street vendors matapos silang payagan ni Manila Mayor Isko Moreno na makapagtinda roon.

Screenshot mula sa video ng CNN Philippines

May inilatag lang na ilang kondisyon ang alkalde na dapat sundin ng mga street vendors kung nais nilang manatili sa ibinigay na pwesto sa kanila sa Divisoria. Kung susuwayin ng mga ito ang mga kondisyon ay magiging malungkot daw ang Pasko nila.

Kailangang panatilihin ng mga street vendors ang disiplina, ayon kay Mayor Isko. Aniya, hindi dapat maharangan ng mga manininda ang mga kalsada nang sa gayon ay malayang makadaraan ang mga sasakyan at mga mamimili.

“If people and vehicles cannot pass because vendors are occupying the whole street, I will make their Christmas sad. We gave them the opportunity to sell on the condition that they observe discipline,” sabi ni Mayor Isko.

Hindi rin dapat lumampas ang mga vendors sa itinakdang laki ng kanilang stall na may sukat na isang metro kuwadrado.

Sa ngayon, ang mga street vendors ay pinapayagan lang magtinda sa Carmen Planas, Street, Tabora Street at sa bahagi ng ilaya Street na malapit sa Moriones Street.

Screenshot mula sa video ng CNN Philippines

Nananatiling off-limits sa mga street vendors ang Juan Luna Street at Claro M. Recto Avenue.

Ilang buwan din natigil ang kabuhayan ng mga street vendors nang isagawa ni Mayor Isko ang clearing operations sa Divisoria. Nangako naman noon ang alkalde na hahanapan niya ng alternatibong lugar ang mga apektadong vendors.

Kaya naman ganoon na lang ang tuwa ng mga vendors nang payagan silang muling makapagtinda sa Divisoria.

Simple lang ang hiling sa kanila ng alakalde.

Screenshot mula sa video ng CNN Philippines

“Bigyan ng madadaanan ang tao. Panatilihing malinis ang inyong mga panindahan. Huwag niyong ookupahan ang lugar na hindi pinapayagan. Ganun lang.”

 

Source :

Inquirer, MSN