Pangulong Duterte, ipinadadampot ang mga vape users sa mga pampublikong lugar

  • Mga maaaktuhang gumagamit ng vape sa pampublikong lugar, huhulihin
  • Inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng law enforcement agencies na damputin ang mga vape users sa public places
  • Inanunsyo ng Pangulo na ipagbabawal niya ang pag-angkat ng vaping products

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na hulihin ang sinumang maaaktuhang gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Imahe mula sa PNA

Ang direktiba ay ginawa ng Presidente kasunod ng pag-anunsyo niya sa isang televised news conference noong Martes ng gabi, ika-19 ng Nobyembre, na kanyang ipagbabawal ang importasyon ng vaping products sa dahilang t0xic at habit-forming daw ang mga iyon.

“I will ban it, the use and importation.  . . .because it is toxic . . .it is not good and contrary to public safety. I am now ordering law enforcement agencies to arrest anybody vaping in public. . . . If you’re sm0king now, you will be arrested,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Aniya, ang pamahalaan ay may kapangyarihang magpatupad ng mga hakbangin upang protektahan ang kapakanan at kalusugan ng publiko.

Agad namang tumalima sa direktiba ng Pangulo si PNP Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa at inatasan ang  lahat ng police commanders na paigtingin ang police visibility sa mga pampublikong lugar partikular na sa paligid ng mga paaralan at habulin ang mga magtatangkang gumamit ng vape sa mga no-sm0king area.

Screenshot mula sa video ng DZMM

Inatasan din ni Lt. Gen. Gamboa ang mga police commanders na bisitahin ang mga nagtitinda ng vape sa lugar na kanilang nasasakupan. Ito ay upang paalalahanan ang mga may-ari nito na sila na mismo ang magbigay ng warning sa mga customers na huwag mag-vape sa public places.