P24M kabuuang donasyon, ipagkakaloob ng Makati sa mga apektado ng pagyanig sa Davao del Sur at North Cotabato

  • Magbibigay ang Makati ng tulong pinansyal para sa mga mamamayang apektado ng pagyanig sa Davao del Sur at North Cotabato
  • Nagkakahalaga ng P24-M ang kabuuang donasyon na manggagaling sa lokal na pamahalaan
  • Hiniling naman ni Makati City Mayor Abby Binay sa Makati Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRC) na pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng ayuda para sa mga naapektuhang residente sa dalawang probinsiya
Imahe mula sa Public Domain

Inanunsyo ng lokal na pamahalan ng Makati ang pagpapalawak ng kanilang tulong pinansyal para sa mga residenteng naapektuhan ng sunod-sunod na pagyanig sa Mindanao.

Magbibigay ang Makati City government ng kabuuang donasyon na nagkakalahaga ng P24-M para sa ikabubuti at pagsisimulang muli ng mga mamamayan sa Davao del Sur at North Cotabato.

Sa ulat ng Inquirer, sinabi dito na inaprubahan na ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRC) ang donasyon habang nasa isang pagpupulong sa Makati City Hall.

Hiniling naman ni Makati City Mayor Abby Binay sa konseho na pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng ayuda para sa mga naapektuhang residente sa dalawang probinsiya.

Maliban sa pinansyal na tulong, magbibigay rin umano ang lokal na gobyerno ng mga school supplies para sa mga mag-aaral. Magpapadala rin ang Makati ng mga psycho-social support teams para magbigay ng stress-debriefing sa mga apektado ng pagyanig sa mga probinsiya.

Imahe mula sa Facebook page ni Makati Mayor Abby Binay

“The City of Makati empathizes with the victims of the recent earthquakes, and we would like to help them get back on their feet as soon as possible,” ani Binay.

Dagday niya, “Aside from financial aid, we will also share whatever resources we can spare.”