Fifty percent mababawas sa mga sasakyan sa EDSA sa opening ng Skyway Stage 3 sa April 2020 – Ramon Ang

  • Ipinahayag ni Ramon Ang na ang Skyway Stage 3 ay nakatakdang buksan  sa April 2020
  • Inaasahang 50% ang mababawas sa mga sasakyang dumaraan sa EDSA kapag natapos na ang proyekto
  • Ang proyekto ay isa sa mga solusyon sa araw-araw na grabeng trapik sa EDSA

Inaasahang mabubuksan na sa mga motorista ang buong kahabaan ng Skyway Stage 3 sa buwan ng Abril ng susunod na taong 2020; ito ay ayon kay Ramon Ang, president and chief operation officer ng San Miguel Corporation.

Screenshot mula sa Project Lupad video

“With the opening of Skyway Stage 3, more vehicles will be using the expressway. We want to eliminate choke points and give motorists a seamless connection from north to south and vice-versa,” pahayag ni Ang.

Ang kahabaan ng Skyway Stage 3 Project ay nagsisimula  sa Buendia sa Makati City at bumabaybay sa mga siyudad ng San Juan at Quezon City hanggang makarating sa North Luzon Expressway.

Sa kasalukuyan, ang EDSA lang ang malaking kalsada na kumokonekta sa pagitan ng northern at southern Luzon; dahilan kaya napakabigat ng daloy ng trapiko sa lugar.

“Today, travel time between Balintawak up to Buendia in Makati takes several hours. With the Skyway Stage 3, that will only take 15 minutes. Motorists from the south can also go directly to any point in Makati, Manila, Quezon City, and bypass Alabang and EDSA,” sabi pa ni Ang.

Tinatayang 50% ng bilang ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA ang mababawas kapag tuluyan nang nabuksan sa mga motorista ang Skyway Stage 3.

Imahe mula sa Autocar

Hiningi ni Ang ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko sa idinudulot na matinding trapiko ng mga proyekto nila kabilang na ang Skyway Extension Project sa Alabang. Aniya, ang mga proyekyong ginagawa ay magdudulot na ginhawa sa mga commuters at motorist kapag natapos na ang mga iyon.

“This is for all of us – a solution to our longstanding problem of traffic. If we do not do this now, for sure, the situation will be much worse for all of us in the very near future,” paliwanag ni Ang.

Imahe mula sa SMC
Source :

MSN, GMA Network