Ex-McDonalds’ employee palihim palang nagbibigay ng extra nugget sa bawat order ng McNuggets

  • Isang dating McDonald’s employee ang umamin na nagbibigay siya ng extra nugget sa bawat order ng McNuggets
  • Ginawa umano niya iyon sa loob ng dalawa at kalahating taon
  • Marami ang pumuri sa kanya, pero may ilan din na nagsabing mali ang ginawa niya

Isang lalaki mula sa Alberta, Canada na nagpakilalang dating empleyado ng McDonalds sampung taon na ang nakalilipas ang umamin sa social media na dinadagdagan niya ng isang nugget ang bawat McNuggets na order sa kanya.

Imahe mula sa McDelivery

Matapos niyang ikumpisal sa Twitter ang ginawa niyang “simple act of kindness” ay inulan si Cody Bondarchuk ng mga papuri mula sa mga Twitter users at tinawag pa siyang “Robin Hood.”

“I worked at McDonald’s for two and a half years and I put 11 nuggets in almost every 10-piece I made,” tweet ni Cody noong ika-16 ng Nobyembre, na nag-viral at umani ng mga papuri sa mga netizens.

Mayroon nang mahigit 80,200 retweets at mahigit 901,400 likes ang tweet ni Bondarchuk. Hindi pa kabilang doon ang mga screenshots ng tweet niya na ibinahagi sa iba pang social media platforms.

Narito ang ilang positibong komento sa tweet ni Bondarchuk:

Not all heroes wear capes, just name tags.”

“I don’t eat McDonalds but you deserve a Medal of Honor.”

“There is literally nothing better than an extra McNugget.”

 

Imahe mula sa McDeliveryMay ilan din namang nagsabi na hindi tama ang ginawa ni Bondarchuk.

“This is the reason why you struggle to get a pay raise. You kept stealing.”

“I don’t understand this tweet. Why it has so many likes. At first blush it reads as if @codybondarchuk was noble. But in fact he stole from his employer- and is proud of that. It was premeditated and persistent. We can do good by not stealing. Or where does it end.”

Ang atensyon na nakuha ni Bondarchuk sa tweet niya ay nagresulta sa pagdami ng mga nakikinig sa podcast niyang Heart Half Full. Aniya ,ang kasikatan na nakuha sa Twitter ay itataya niya sa pagtakbo para sa Edmonton City Council sa susunod na municipal election.

In-update na niya ang Twitter biography niya upang maipakita ang bago niyang status bilang “The Robin Hood of McNuggets.”

Imahemula sa Twitter account ni Cody Bondarchuk