Ang face mask na “hindi kasya sa mukha” pinag-usapan ng mga netizens

  • Sadyang ‘di inaasahan  ng isang babae ang itsura ng nabili niyang face mask online
  • Halos singlaki lang ito ng kanyang palad ngunit idinikit  pa rin ito sa kanyang mukha
  • In-upload  ng Ronescape Facebook page ang kanyang larawan na siya namang kinagiliwan ng mga netizens

Mahilig ang mga babae sa online shopping. Bukod sa papindot-pindot lang eh iwas trapik din ito. Subalit dahil ang pagbili ay online, wala tayong kakayahang makita muna ang aktuwal na produkto. Saka na natin ito masusulyapan pagkarating ng binili natin. 

Image via Unsplash

Isa sa mga produktong puwedeng bilhin online ay ang facial mask. Ito ay malapad na parang tela na binababad ng ilang minuto sa mukha  bilang pampaganda ng balat. Mayroon ding parang cream na pinapahid sa mukha, binababad at pagkatuyo ay aalisin na. 

Ngunit paano kung ang in-order mong facial mask ay kakaiba ang itsura sa iyong inaasahan?

Isang nakatatawang post ang ibinahagi ng Facebook page na Ronescape  na may caption na “Thank you Lazada. On time delivery.’  Isang babae ang umorder ng facial mask. 

Subalit nabigla si ate dahil ang facial mask ay halos sinlaki lang ng kanyang palad.  Sinubukan pa nitong idikit sa kanyang noo a at halatang kulang na kulang ang laki nito upang takpan kahit man lang ang kanyang noo. 

Image via @Ronescape | Facebook

Mali nga ba ang produktong na-order ni ate? O hindi lang siya marunong kung paano ito gamitin? Narito ang reaksyon ng ilang mga netizens. 

“It is not Lazada’s fault. It’s your fault ate. Haha. Try to stretch it and you will see.”

Ang iba’y nagsabing para ito sa isang bagong panganak na sanggol, pusa, tuta o para sa magkatabing pigsa. Hahaha. May nagsabi rin na baka ito ay para sa sakit ng ulo. 

Marahil ay nakalimutan lang  ni ate na basahin ang instructions. Minsan kasi sa sobrang excited hindi na natin nagagawa ito; tuloy ay nagiging komedya ang mga pangyayari. 

Umani na ng 6.3k haha reactions ang post na ito at patuloy pa ring dumadagsa ang mga kumento.  Sana natutunan na rin ni ate kung paano gamitin ang facial mask. 

Kayo? Ano ang nakatatawang kuwento ninyo sa online shopping?