18-anyos na unico hijo ni Robin Padilla ikinasal sa Australia

  • Unico hijo ni Robin Padilla,ikinasal na sa murang edad na disiotso
  • Masaya ang aktor na sa murang edad ay natagpuan na ni Ali ang makakasama sa buhay
  • Sa isang beach sa Australia ginanap ang kasalan

Sa murang edad na disiotso, ikinasal na si Ali Padilla, ang kaisa-isang anak na lalaki ni Robin Padilla kay Liezl Sicangco, sa nobya nitong si Hannah. Sa isang beach sa Queensland, Australia ginanap ang intimate wedding ceremony noong ika-17 ng Nobyembre.

Imahe mula sa Instagram account ni Queenie Padilla

Naging masaya naman ang amang si Robin sa panibagong landas na tatahakin ni Ali bilang isang asawa. Sa pamamagitan ng Instagram ay nagbigay ang aktor ng isang mahabang mensahe sa kaniyang anak. Ibinahagi rin niya ang ilang larawan ng set up ng beach wedding.

Aniya, masaya siya na sa murang edad ay nakita na ni Ali ang kanyang makakasama sa buhay.

“I’m happy my son, you have found your love that can bring you more closer to the one and only Creator. Fortunately, you found your true love in such young age with this good fortune comes raging enthusiasm which you must temper with patience for nothing happens overnight in our youth,” bahagi ng mensahe ng aktor sa anak.

May mensahe rin si Queenie sa bunsong kapatid. Si Queenie ang panganay na anak ni Robin at Liezl.

Ani Queenie, na hindi nakadalo para saksihan ang nakapa-importanteng araw ni Ali, sigurado umano siya na magiging isang napakabuting asawa ng kanyang kapatid para kay Hannah.

Imahe mula sa Instagram account ni Robin Padilla

“To my one and only baby brother, it breaks my heart that I couldn’t be there for you on your big day! … I’m proud of the gentleman that you’ve become and I wish you both a lifetime of love and happiness. I love you and I miss you terribly,” bahagi ng mensahe ni Queenie kay Ali.

Dagdag pa ni Queenie, sigurado siya na magiging mabuting asawa si Ali kay Hannah at dalangin niya na maging mabuting asawa rin si Hannah kay Ali.