Water concessionaires nagbabala ng 780% water rate increase, grabeng trapiko dahil sa desisyon ng Supreme Court

  • Manila Water nagbabala ng 780% na pagtaas ng singil sa tubig bunsod ng desisyon ng Supreme Court
  • Mas lalala ang matinding trapiko sa Metro Manila kung ipatutupad umano ang desisyon ng Korte Suprema
  • Inatasan ng Korte Suprema ang dalawang water concessionaires na tapusin ang interconnection ng mga sewer pipes sa existing sewage treatment plants sa loob ng limang taon

Makararanas ng mas malalang trapiko ang maraming bahagi ng Metro Manila kapag pilit na ipatutupad ng Supreme Court ang desisyon nito na nag-aatas sa dalawang water concessionaires – ang Manila Water at Maynilad – na kumpletuhin ang sewerage project sa loob ng limang taon.

Composite image ng logo ng Manila Water at Maynilad

Noong Agosto ay inatasan ng Korte Suprema ang dalawang water concessionaires na tapusin ang interconnection ng mga sewer pipes ng mga customers sa mga existing sewage treatment plants (STP) at gumawa ng mga bagong STPs  sa susunod na limang taon.

Pinatawan din ang dalawang kumpanya ng tig-P921.5 million na multa dahil sa paglabag sa Clean Water Act.

Inaapela ng mga water concessionaires ang desisyon ng Supreme Court dahil  ang paglalatag ng mga sewer lines sa loob ng napakaikling panahon ay lalong magpapalala sa matinding trapiko sa Metro Manila at sa mga kalapit-pook.

“Worse traffic is also to be expected since hundreds of kilometers of roads, including EDSA, which are part of the Manila Water’s East Zone, would have to be dug up all at the same time,” ayon sa statement ng Manila Water.

Sinabi naman ng Maynilad na malaking abala sa mga motorsita ang paglalagay ng mga sewer pipes dahil kailangan itong ibaon nang mas malalim kaysa sa mga water pipes.

Imahe mula sa Top gear Philippines

Ayon kay Maynilad chief operating officer Randolph Estrellado may ilang sewer pipes na kailangang ibaon sa lalim na 14 meters kaya ang wastewater projects ay matagal makumpleto.

“To minimize traffic congestion in our project sites, we will use trenchless technology where feasible, although said technology will significantly increase the cost to install the sewer network,” sabi ni Estrellado.

Nagbabala naman ang Manila Water na tataas ng hanggang 780% o P26.70 kada cubic meter ang singil sa tubig kapag pinaiksi sa limang taon ang nakaplanong 40-year project.

Imahe mula sa Maynilad