Unang 10 kilometro ng Cavite-Laguna Expressway bubuksan ngayong Oktubre

  • Unang 10 kilometro ng Cavite-Laguna Expressway, bubuksan ngayong buwan ng Oktubre
  • Sa mga unang linggo ng operasyon nito ay hindi muna sisingilin ng toll fee ang mga motorista
  • Target ng DPWH na matapos ang buong kahabaan ng CALAEx sa taong 2021

Inanunsyo ni Deparment of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang partial opening ng Cavite-Laguna Expressway (CALAEx) na gagawin ngayong buwan ng Oktubre.

Imahe mula sa Facebook page ng CALAX

Sinabi ni Sec. Villar na ang construction team ng CALAEx ay nagsasagawa na ng finishing touches sa first phase ng proyekto o ang unang sampung kilometro ng 45-kilometer expressway.

Ang first phase ng expressway ay magsisimula sa Mamplasan sa Biñan, Laguna at ang dulo ay sa Sta. Rosa, Laguna.

“Ito pong segment ay sampung kilometro. Magsisimula po dito sa Mamplasan at ang dulo niya ay Sta. Rosa,” ani Sec. Villar sa isang TV interview.

Ang bahagi ng CALAEx na bubuksan ay magbibigay ng malaking ginhawa sa biyahe ng mga motoristang patungo sa Tagaytay City sa Cavite dahil maiiwasan na ang pagdaan sa mga commercial area ng Sta. Rosa kung saan kalimitanG may pagsisikip ng trapiko na nararanasan.

Aniya, sa halip na sa Sta. Rosa exit ng South Luzon Expressway (SLEX) lumabas ang mga motorista ay sa  Mamplasan na sila dadaan para maiwasan ang trapiko sa loob ng Sta. Rosa.

Imahe mula sa Facebook page ng CALAX

“So kung galing po kayo sa SLEX, kung pupunta kayo sa Tagaytay, puwede niyong gamitin ito. Papasok kayo sa Mamplasan ang labas ninyo lampas na ng commercial area ng Sta. Rosa at mayroon ding exit sa Laguna Boulevard,” ani Sec. Mark Villar.

Ang toll fee sa unang sampung kilometro ng expressway ay P40, pero sinabi ng Kalihim na sa mga unang linggo ng operasyon ay hindi muna sisingilin ang mga motorista.

Target ng DPWH na matapos ang buong kahabaan ng CALAEx sa taong 2021. Idinisenyo ang CALAX para pagdugtungin ang Cavite at Laguna, at paikliin ang oras ng biyahe sa 45 minutes na lang mula sa dating dalawang oras.

Imahe mula sa Facebook page ng CALAX
Source :

MSN, GMA Network