Titser tinawag na “best gift” ang native na manok mula sa estudyanteng takot sa kanya

  • Isang titser ang nakatanggap ng native na manok noong Teachers’ Day
  • Ang mas nakatutuwa pa ay ang estudyanteng nagbigay nito ay madalas na takot sa kanya
  • Tuwang-tuwa si Teacher Claude Talon sa mga simpleng regalo na kanyang natanggap, tulad ng tinapay at saging

Para sa isang titser, talaga namang nakakataba ng puso ang kanyang natanggap na regalo noong Teachers’ Day.

Imahe mula kay Claude Talon sa Facebook

Ibinahagi ni Teacher Claude Talon sa Facebook ang isang nakakatuwang regalo na kanyang natanggap. Kung ang ibang teachers ay nakatanggap ng mga bulaklak o chocolates noong Teachers’ Day, si Teacher Claude ay may regalong native na manok.

Ani pa niya, “Wala ‘yang flowers, chocolates, cakes and balloons niyo sa native manok ko! Hahaha. Thank you LEGASPI.”

Ayun pa kay Teacher Claude, talaga namang ikinatuwa niya ang hindi inaasahang regalo.

“Pinaka -happy Teacher si maam. It doesn’t matter how expensive or how cheap it is. It’s always the thought that counts,” aniya.

Pinangalanan pa niya ang native manok na “Chickie.”

Pero ang mas ikinatuwa ng guro ay ang “thoughtful” na estudyante niyang ito ay siyang madalas matakot sa kaniya. Ani pa ni Teacher Claude, ang estudyante ay madalas takot sa kanya dahil hindi niya pinapalabas hanggang hindi natututo magbasa. Sobrang ikinatuwa at naiiyak umano ang titser.

Sabi ni Teacher, “Siya pa itong nag-effort na magbigay ng regalo.”

Imahe mula kay Claude Talon sa Facebook

Maliban sa native na manok, may natanggap rin si Teacher Claude na dalawang supot ng tinapay at saging. Ayon kay Teacher Claude, ang mga simpleng regalo na ito ay malaking bagay na para sa kanya. “Maliit lamang na mga bagay pero nakakataba ng puso,” aniya.

Mukha namang wala pang planong gawing tinola si Chickie dahil gusto pa ni Teacher Claude na paramihin muna ito.

Marami ring netizens ang natuwa sa kuwento ni Teacher. Ang post niya ay umabot na sa higit 3,000 shares. Ani pa ng netizen na si J. Carpentero, “That means ma’am na you’re the best. Lagyan na natin ng tanglad. Hehe.”

Dagdag pa ni netizen Y. Gagni, “Ito ang tunay nakakapasaya kay teacher. Haha. Happy Teachers’ Day!”

Source :

Facebook