Napakapambihirang uri ng unggoy isinilang sa Australian zoo

  • Isang napakapambihirang uri ng unggoy ang isinilang sa isang zoo sa Australia
  • Ang bagong silang na Francois’ Langur ay makikilala sa kulay orange nitong balahibo
  • Tinatayang 3,000 na lang ang natitirang Francois’ Langur sa wild

Isa sa pinakapambihirang uri ng unggoy sa buong mundo ang isinilang kamakailan lang sa isang zoo sa Australia.

Imahe mula sa Taronga Zoo

Ang isang lalaking Francois’ Langur na mayroong natatanging kulay kahel na balahibo ang isinilang sa Taronga Zoo sa Sydney noong nakaraang linggo. Sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng pangalan ang bagong silang na unggoy.

Itinuturing na critically endangered ang Francois’ Langur, na matatagpuan lang sa mga bansang China at Vietnam, dahil sa banta ng mga poachers at ang pagkasira ng kanilang natural habitat dahil sa panghihimasok ng development.

Ayon sa Senior Zoo Keeper na si Jane Marshall, bihirang makakita ng nga Francois’ Langur sa ilap, pero mas lalong bihira na makakita ng sanggol nito.

“Seeing Francois’ Langurs in the wild is incredibly rare, but seeing a baby is even more so. Their vibrant orange color may only last for a few weeks before they start to turn black,” aniya.

Ang mga Francois’ Langur ay namumuhay sa mga harem. Ang harem ay isang grupo na kinabibilangan ng isa o dalawang lalaki at ilang babaeng unggoy. Ang mga babeng unggoy ay inaasahang magtutulungan sa pag-aalaga ng isang sanggol. Ito ay upang matuto sila ng mga kaalaman kung paano maging isang ina.

Imahe mula sa Taronga Zoo

“It’s very interesting seeing the females in the group interact and care for the baby. They all clearly care for him very much, and pass him to one another throughout the day,” sabi ni Marshall.

Sa pagtataya ni Marshall, nasa 3,000 na lang ang mga natitirang Francois’ Langurs sa wild.

“Not a lot of people know about Francois’ Langurs as a species, but these beautiful animals are very vibrant animals, who are incredibly agile and intelligent,” anang zoo keeper.

Imahe mula sa Taronga Conservation Society Australia