Mga railway systems ng Pilipinas napag-iiwanan na ng mga Asian neighbors

  • Railway systems ng bansa napag-iiwanan na ng mga train systems ng Asian neighbors
  • Sinabi ng isang LRTA official na lubhang mas mababa kaysa international standards ang railway systems natin
  • Sinabi ng isang mambabatas na ang traffic situation ng bansa ay isang seryosong krisis

Ang mga railway systems ng Pilipinas ay napag-iiwanan na ng kalidad ng railway system ng mga kalapit-bansa nito sa Asya at lubhang mas mababa kaysa international standards, ayon sa isang opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Imahe mula sa JudahFourteen

“We are actually behind international standards in terms of the gap or sequence of trains. In Korea, I think they have it at 45 seconds. But in international standards, it’s between one to three minutes,” pagsisiwalat ni Hernando Cabrera, project Engineer ng LRTA, sa harap ng mga mambabatas.

Sinabi ni Cabrera sa House of Representatives Committee on Transportation, na pinangungunahan ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento, na dito sa ating bansa ay karaniwan nang tumatagal ang paghihintay ng mga pasahero sa pagdating ng kasunod na tren ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) nang mula pito hanggang sampung minuto, at kung minsan ay mas matagal pa.

May ginagawa naman umano ang LRTA hinggil sa estado ng ating railway system.

“But we’re doing something about it now,” pahayag ni Cabrera patungkol sa LRT Line 1, LRT Line 2 at MRT Line 3.

Pinansin ni Rep. Sarmiento na ang mga railway systems natin ay hindi maipag-interconnect dahil sa pagkakaiba sa istruktura ng mga ito sa kadahilalang ginawa sila ng iba-ibang kumpanya mula sa iba-ibang bansa.

Imahe mula sa LRTA

“Chopsuey tayo eh. Please take note of the rolling stock. And we have three train systems that have different brands and from different countries – from China, Europe, Germany etc. We can’t even inter-connect them, they have different tracks,” ani Rep. Sarmiento.

Sinabi pa niya na ang mga Dalian trains na binili sa China ay hindi magamit dahil hindi akma sa railway system natin.

“We cannot even use our Dalian trains from China because they don’t even fit,” aniya.

Ang kasulukuyang traffic situation sa bansa ay isa umanong seryosong krisis kaya nanawagan si Rep. Sarmiento sa transport sector na gumawa ng mga nararapat na hakbang.

Imahe mula sa UNTV
Source :

Philstar