Mga pulis-Makati tinanggihan ang halos dalawang milyong suhol mula sa Chinese nationals

  • Halos dalawang milyong pisong suh0l tinanggihan ng mga pulis-Makati
  • Dalawang Chinese nationals ang nagtangka ng panunuh0l
  • Ang malaking halaga ng pera ay inalok sa mga pulis kapalit ng paglaya ng kanilang kababayan na lumabag sa Republic Act No. 10364

Sa kalaboso ang bagsak ng dalawang Chinese nationals na nagtangkang manuh0l sa mga pulis ng Makati City noong Martes, ika-8 ng Oktubre.

Imahe mula sa Makati City Police

Kinilala ng Makati Police ang dalawang Tsino bilang sina Zhang Xiuqiang at Fan Jianping na nag-alok ng halagang P1.7 million kapalit ng pagpapalaya sa kanilang kababayan na nauna nang hinuli ng pulis noong Lunes, ika-7 ng Oktubre, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Nagtungo ang dalawang Tsino sa Criminal Investigation Division ng Makati City Police para makipag-negosasyon sa mga pulis upang mapalaya ang ilan nilang kababayan na nauna nang nahuli sa isang hotel na ginawang pugad ng pr0stitusy0n.

Lumapit ang dalawa kay Maj. Gideon Ines Jr., hepe ng Criminal Investigation Section ng Makati police at inalok ang pera kapalit ng pagpapalaya sa mga kababayan.

Tinanggihan ni Maj. Ines ang suh0l at agad na iniutos ang paghuli sa dalawang Tsino.

Samantala, ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay na ipasara ang hotel na ginagamit bilang pugad ng pr0stitusy0n.

Imahe mula sa Makati City PIO

Isinilbi ng Business Permits and Licensing Office ng Makati City at ng ilang miyembro ng Makati City police community precinct 6 ang closure order sa Maxx Hotel na matatagpuan sa Barangay Poblacion dahil sa paglabag sa R.A. no. 10364.

Ang naturang hotel na may sampung palapag ay inuupahan ng isang Chinese national sa halagang P1.2 million kada buwan sa Filipino owner nito. Nilus0b ito ng mga operatiba ng Makati Police at na-rescue ang 35 kababaihan na karamihan ay Chinese nationals at ang iba ay mga Vietnamese.